I just saw this LinkedIn post recently about being involved si Coins.ph at InDrive.
Coins ph for sure alam na natin ito, isa sa mga OG na cryptocurrency exchange sa Pilipinas at itong InDrive - recently ko din to na discover nagamit ko mag boook ng mga car, parang grab car lang.
Kaya na curious ako nung nakita ko itong post na ito lalo na na involve din ang blockchain - so para sakin kahit di gaano malaking news eh naapreciate ko parin ito kasi alamn naman natin na di pa gaano kilala ang Blockchain technology sa Pilipinas o kahit cryptocurrency o Bitcoin pero yung mga ganitong maliit na news ay nakakatulong narin.
Ano masasabi niyo sa news na ito?
Read more din dito:
https://newsbytes.ph/2025/01/15/new-initiative-allows-indrive-drivers-to-earn-while-mapping-roads-in-ph/
Para sa akin, magandang inisyatibo ito kasi pinapalawak nila at pinapaalam sa iba kung paano gamitin ang crypto. Sana marami pang ibang establishments o projects ang makipag-collab kay Coins.ph, para hindi lang sa mga tulad ng GCash at Maya nakatutok ang lahat. Ang GCash kasi, sobra na eh—halos lahat may charge na. Ultimo convenience fee sa load, meron pa.
Share ko lang din, bilang nagla-Lalamove minsan, ang available na top-up option lang ay GCash. Sana subukan din ni Coins.ph na makipag-partner, para kahit papaano hindi lang kay GCash mapunta ang lahat ng drivers at customers. Malaking kumpanya rin naman ang Lalamove, ha.