As you can see in the title ang unang tanung agad dito ay bakit gustong gawin ito ni Musk?
Answer: para ma track ang mga expenses, to protect data gamit ang immutable and transparent ledger.
Ayon sa ulat ng isang Bloomberg si Elon ay nakipagpulong sa ilang mga representative ng public blockchain para pag-usapan ang concept ng paggamit ng distributed digital ledgers sa kanyang department of government efficiency o DOGE. Now do you think what could possibly the implication nito? Dahil if ever man na matuloy ang idea na ito ay baka ito na ang maging mother of all blockchain at yun ay dahil nga ang gobyerno ng US ang posibleng unang gumamit.
Siyempre iba ang scale at lawak nito kung ikukumpara natin sa mga nauna ng mga ibang bansa na sumubok nito. Hindi naman din lingid sa iba na madami ng mga ibang bansa ang nageexperiment tungkol sa blockchain tulad ng UAE at iba pa. Pero alam natin na iba parin kapag US na ang pumasok, dahil malaki ang budget at malaki din ang sakop, diba? at malaki din ang magiging effect sa public perception.
At kung magtagumpay ang initiative na ito ay baka magsilbi pa itong golbal precedent at baka maengganyo ang mga iba pang major powers na sumunod. Pero bakit nga ba gusto ni Musk na magamit ang blockchain sa pamahalaan? simple gusto nya kasing solusyunan ang " Wasteful Government Spending" nakawan, corruption at malawakang fraud. Alam naman natin na madaming controversies tungkol sa hindi clearn na paggasta ng mga tax payers money kung ilalagay yan sa isang transparent at immutable ledger ay mas mahihirapan ang mga tiwaling opisyales na magpalusot.
Posible bang magkatotoo ito? ang sagot ko naman ay Oo pwedeng mangyari, kailangan lang ay misang bansa na maimpluwensya ang makagawa nito at US goverment ang pwedeng makapagsimula nito.
Mga pakinabang na pwedeng makuha sa planong ito?
- Enhanced Security
- Increased Transparency
- Improved Efficiency
Let me hear your thoughts and opinion mga kababayan...
Reference:
https://www.ledgerinsights.com/musk-mulls-blockchain-for-tracking-payments-in-government-efficiency-push-report/