Not at all, Forbes article says na makaka apekto ito only sa future plans ng Trump admin after dun sa endorsed meme coin niya which is somewhat right. Ang hindi ko ma gets kase, bakit may ganyan pa, tapus memecoin lang din, eh alam naman ng lahat ang nature ng memecoin na goods lang when hyped then dump tapus mahihirapan bumalik until it got influenced by bitcoin movement which is most ng alts/tokens ay ganyan.
Hindi na natin maitatanggi na maraming tao pa din ang sumusubaybay pag dating sa mga memecoin kasi ang ilan talaga dito is game changer ika nga nila mas paldo ka pag nauna ka kaya marami sa kanila umaasa na pwedeng mag pabago ng buhay itong memecoins pero di lahat ng memecoins successful at ang ilan is rug pull lang. Normal na sakin makakita ng mga tao na nag support ng memecoin kasi dahil din sa hype ng ibang tao na pumaldo sila tulad ng mga screenshot nila sa social media kung magkano capital tapos yung gains nila.
Oo tama ka dyan, madami narin kasing kumita sa meme coins at hindi natin yan maitatago, bagaman mas madami parin siyempre ang mga nabibigo dahil sa pagbabaka-sakali na makajackpot sa meme coins dito sa crypto space. Kahit nga tayo diba meron din tayong ibang hinahawakan na meme coins, hindi nga lang katulad ng mga newbies na sumasabay sa hype lang na bago palang dito sa crypto space.
Tayo kasi or ako nalang na meron din naman akong iniipon at hinohold na meme coins at isa na dito ang Doge, Shib, Pepe, dahil ang mga ito ay subok na talaga at masasabi kung mahirap ng matibag ika nga. Kaya sana sa iba mag-ingat nalang sila sa sasabayan nilang meme coins na bago palang sa field ng crypto industry.
May ilang hold din ako ng meme coin after mag market crash recently, but in terms this is yung Doge and Pepe kasi nga sikat talaga tong meme coin na ito, yung shib di muna ako nag hold tsaka yung mga coins recently lang nag boom tulad ng mga trump coin tapos yung melania, so parang coins lang to para mag hype after mahalal ni trump so need to invest dito para sa sakin.
Ok lang yan basta alam mo kung san ka mag-entry at mag-exit ay importante. Ang mahirap kasi ay yung pagbabatayan mo ay hula lang din, matanung lang kita, bakit nagstop ka sa Shiba inu? Diba isa din naman yan sa mga top meme coins? meron kabang nabalitaan dyan na parang walang development na mangyayari?
Curious lang ako, kasi meron din ako nitong shiba pero konti lang naman din hindi kalakihan, para lang ba kahit pano ay merong holdings din naman din, alam mo naman ang ganitong mga uri ng meme coins ay kung kelan tumigil tayo sa pag-iipon ay bigla naman siyang umaarangkada ng pag-angat ng hindi natin manlang nalalaman ang dahilan ng pag-angat.