Wala rin palang wenta yung Crypto Summit, Lol.
Imbis na maganda ang epekto eh parang negative pa nga dahil bumagsak ang presyo ng Bitcoin kasi nga parang hindi naman maganda ang sinabi ni Trump. Na parang i hold lang nila ang current crypto assets nila at walang nabanggit na bibili.
Kaya siguro nadismaya kabilang na rin yung mga invited.
Hehehe, pinangiti mo naman ako sa sinabi mo na ito dude, honestly, isa ako sa nagexpect na aangat ang price ni bitcoin sa 92k$-95k$ ang problema hindi ganun ang nangyari, napa-dca pa nga ako sa Ada, Xrp, Sol at pati Hbar napabili ako.
Saka yung napanuod ko sa mga crypto news ay tulad ng nabanggit mo ay wala talagang binili, dahil kung nagkaroon manlang sana ng pagbili ay kahit papano ay makikita natin na merong pag-angat sa price ni bitcoin at kung ganun sana ang nangyari ay susunod din matic yung mga top altcoins din for sure.
Tamang lungkot yung mga tao after mag salita ni Trump eh isa din sa reason kung bakit medyo downfall din yung market currently kasi wala naman silang ginawang action, pero its a good opportunity ito para sa lahat kasi pwede sila bumili ng mas mababa as of now, pero ayung nga starting pa lang din naman ng bull run if the bitcoin price still into the 80k range so medyo naiinip na yung mga traders. Pero good opportunity naman para sa mga long term holders eh.