Bakit parang ang scammy ng itsura ng text? Ako lang ba nababahala dito? Parang ang weird na papatulan mo ng ganyan yung mga text. Parang hindi professional.
Ang dami talagang pera sa gambling kaya yung mga sikat, kaya mag karoon ng sponsorship kung saan saan eh.
Halata bang professional yung way nila ng pag approach sa influencer boss?

Kung nangangailangan ka ng pera ay kahit hindi na professional yung way nila ng pag-approach sayo basta sila ang unang magbabayad sayo eh walang problema.

Ganyan na ang mga influencers ngayon.
Hindi na nakapagtataka na napakarami nang influencers ngayon ang pumapatol sa ganitong mga offers dahil napakalaki nga naman ng binibigay sa kanila. Depende sa dami ng followers mo, pwede ka nilang offer-an ng 5-6 digits per video/s. Malaki na yun knowing na andito tau sa isang bansa na napakahirap kumita ng pera.

Baka kahit ako papatusin ko yung ganung mga offer.

---
Nakita ko lng ito sa facebook post ni Laine Bernardo. Kahit mga hindi related sa gambling ay pinapatulan na ng mga online casino para ipromote ang website nila.
Kaya naman pala hindi na nakakapagtaka na kahit yung mga sikat na content creator ay pumapatol na dito dahil sa sobrang laki ng offer na umaabot ng 1M per month.
Bumababa na dn pay rate sa mga views kaya hindi nko magugulat kung mas dadami pa mga gambling ads sa mga vlog.
Kahit nga mga moto-vlogger, or yung mga pages na puro pranks lang ang laman ng content ay pinapatos na rin yung mga offers galing sa mga casinos. At the end of the day, mayroon at mayroon pa rin naman silang followers na mag fofollow sa kanila kahit mag promote sila ng sugal. Choice pa rin naman natin kung maglalaro tayo or hindi. Choice pa rin naman natin kung magsusugal tayo or hindi.
Sa kabila ng malalaking mga offers, may mga sikat na influencers pa rin na hindi pumapatol sa ganitong mga offers at isa sa malaking influencer na pumasok agad sa isip ko ay si "Dinocornel". Sinabi na niya yung rason niya kung bakit sa isang video, at buti maraming influencers pa rin ang hindi nasisilaw sa kanilang mga offer.
Sa trend na nakikita natin ngayon, mukhang matagal pa bago bumaba ang hype sa mga gambling advertisements na mga ito.