The only thing that make our local board not that active is because di tayo marami dito and kunti lang may access sa forum na to. Tagal ko na dito and wala man lang ako masyado na eencounter sa social media na marunong about sa forum.
Do you think ba na need natin mag invite? Para mas marami ang maging knowledgeable sa bitcoin? o sa crypto in general?
You mean hindi masyado kalat sa facebook? Mas madami pa din yung mga post about sa airdrops and paano magearn sa mga campaign or short time crypto rewards. If magiinvite ka dito ng kakilala mo or friends sa forum puwede naman explain mo lang paano ang kalakaran dito pero kung may tropa ka na sa airdrops sanay malamang manibago siya dito kasi more on discussion dito and yung pag earn is just a perk lalo kung good poster siya or magaling mag incorporate ng mga topics regarding bitcoin or related.
Tagal ka na din pala dito kabayan, 2020 ka pa nagbabalik ka na ba ulit to be more active?
Naniniwala akong marami tayong mga Pinoy sa forum na ito, marami ang pinipiling maging tahimi, ang iba hindi nakikihalubilo sa Pinoy section para hindi mabulgar na galing sila sa Pinas.
ang iba naman ay nag aambag kahit papano pero mas active sa foreign section lalo na sa english dahil na rin na konti ang merit system ng ating local board.
aminin man natin o sa hindi, marami satin ang nag eefort na makapagpost o gumawa ng topic dito sa local boards natin pero hindi sapat ang nakukuhang atensyon,
swerte ka na pag marami ang naging reply and quote sa thread mo, mas maswerte ka kung may magmemerit. ang daming nagtitipid mas pinipiling ibigay sa iba, ang iba naman sa meron mga alts na pinapopromote kaya dun nila binibigay.
Pansin ko din na talaga namang maraming Pinoy sa labas ng board natin, at tama ka sa pagsabi na tahimik lang sila at pinili na wag makahalubilo sa atin dito. Ginagalang naman natin ang desisyon nila.
Isa ako sa mga nagsisikap na magkaroon ng merit, ramdam ko ang kakuriputan ng mga kapwa natin pinoy sa post ng kabayan natin, pinipili kong maging mapagbigay hanggant maaaqri.
pero naisip ba ng iba na nakakaipon sila ng Smerit dahil sa pagbibigay nila ng merit? at yung binigay nilang merit ay maaaring maging smerit na ibibgay din sa kanila balang araw?
Nakita ko rin naman ang mga post mo kabayan. At dahil mas senior ka sa akin, tama rin ang obserbasyon mo na parang ang kunat magbigay ng mga kapwa natin dito sa local boards. Hindi ko naman nilalahat, pero kahit pangit pakinggan, ito ang katotohanan at dapat natin sabihin to para kahit paano at malaman ng lahat at baka maintindihan nila (wag lang sana masamain mga kababayan).
On the bright side, meron tayong isang Legendary na ngayong, buwan lang ay nag merit spree dito sa ating local at walang iba kundi si
PX-Z, (ngayon kung na-appreciate nyo, alam nyo na ang drill). Nag bagsak sya ng 17 merits dito para sa tin, kaya mabuhay ka kabayan.
sirkulasyon ng merit ang kulang sating local, pagbibigay sa mga dapat na hindi napagbibigyan at kalaunan dahil paulit ulit na ay nakakasawa narin kaya nagiisip ng iba, naghahanap ng ibang boards para mapansin at makalikom.
Yan talaga dapat eh, ang sirkulasyon ng merit sa atin local board, at kung ito ang mangyayari, maaaring gumanda talaga ang mga diskusyon dito.
Lahat ng narito sa forum na ito iisa ang pangarap, wag tayong maging ipokrito! LEGENDARY ang nais natin simula naabsorb natin na yun ang mataas na ranggo at yun ang may malaking kita
Hindi tayo nandito para mamasyal, mangalap ng kaibigan o makipagkamustahan. bawat isa ay umaasa na magiging dagdag kitaq natin ito, Isa itong sakahan na maituturin natin online kaya nagisiskap tayong mapansin ng iba upang magkamerint at maapreciate tayo ng iba. APPRECIATE! ito ang kulang satin. kahit meritable ang topic o post hindi natin maibigay bakit?
wala na tayong Smerit, yung iba meron pero para sa alts o wag nalang...
Meron naman iba panakanakang nag bibigay ng merit sa mga magagandang thread, pero may punto ka na parang ayaw nila bigyan ito pero nandun sa diskusyon (paalala ulit, sana wag kayong magalit).
Yung ibang lahi? napapansin ko FM plang pero nakakalikom sila ng 100 merits or more in 120 days. ganda ng cycle nila. mostly daw nigerian, sana Pinoy din.
Well, good luck sa lahat at congrats sa mga nag level up0... wag kayo mag-0alala sikap at tyaga lang. sa Legendary din tayo magtatagpo tagpo. pana-panahon lang.
Ako nga sikat lagi sa accu eh, di ko nlng pinapansin.
salamat sa mga Pinoy na may paki sa kapwa. kaya yan!
payo ko sayo kung sino man ang nagsisimula o nagpapatuloy! wag ka susuko! araw araw gandhan mo idea mo, if panget pagandahin mo.
Iba talaga ang ugali siguro ng Nigerian, sila muna bago ang iba, kaya sila na ang ang dominate ng mga signature campaigns base natin to sa mga datos na nakikita natin. Grind lang talaga siguro dito o sa global boards, minsan magugulat ka na lang din na biglang may nag merit sa yo outside ng community natin.
Isa ka na rin pala sa malapit mag rank-up ah.

Konting kembot na lang at "Hawak mo na ang beat".
