Nung umpisa ng Bitcoin at Blockchain at ng pangka halatang Crypto, marami talaga ang hindi nagustuhan to. At kung ano ano maaahang na salita ang sinabi nila laban dito. Marahil at hindi talaga nila naiintindihan ang teknolohiya kaya ganun na lang ang pag atake nila at puro negatibo ang maririnig natin. Pero may mga ilan din naman na bumaliktad na katulad ng mga personalidad na to. Siguro napag tanto rin nila na iba kakaiba talaga to at hindi na kayang awatin sa mga susunod na taon kaya sila ngayon ay sumusuporta o kaya nagtataguyod nito. Kilalanin natin sila isa isa at alamin ang mga pinagsasabi nila dati. Hindi ito kompletong listahan at siguradong may mga nakaligtaan ako. Pwede ko tong I-update sa tulong nyo kung may idagdag kayo.
1. Michael Saylor - CEO ng MicroStrategy (
https://www.strategysoftware.com/)

Hindi natin mai-salarawan na ang CEO ng kompanya na may pinaka maraming Bitcoin (~640,000)
[1] sa ngayon ay minsan naging isang kritiko ng Bitcoin. Heto ang sinabi nya siyam na taon na ang nakakaraan.
https://x.com/saylor/status/413478389329428480Bilang na daw ang araw ng Bitcoin at hinihantulad nya ito sa online gambling. Pero nung 2020, nagbago na ang pananaw nya at binago nya ang MicroStrategy na maging holder ng Bitcoin, at nag invest ng bilyon. At sa ngayon, masasabi natin na sya ay ang mukha ng Bitcoin para ito lumago at i-adopt sa buong mundo ng mga institution o kompanya.
2. Elon Musk - CEO ng Tesla (
https://www.tesla.com/) at SpaceX (
https://www.spacex.com/)

Medyo maraming kontrobersyal patungkol kay Elon Musk, at kung natatandaan ko pa nung huling bull-run 2020-2021, matunog ang pangalan nya at sya ang parang naging malaking impluwensya sa presyo ng Bitcoin. At tinanggap nya ka rin ang Bitcoin bilang bayad sa mga kotse nyang Tesla dati. Pero bigla syang bumaliktad sa mga tweets na to. And kanyang isyu ay tungkol sa mining at ang epekto nito sa kalikasan. Ganun, pa man, meron parin hawak ang Tesla ng ~11,500
[2] BTC.
https://x.com/elonmusk/status/1392950720979030019?lang=en3. Warren Buffett - CEO ng Berkshire Hathaway (
https://www.berkshirehathaway.com/)

Isa rin to sa mga kritiko ng Bitcoin, pero hindi mo naman masisisi to dahil matanda na ang tradisyunal ang approach sa pag invest ng pera at ayaw ng mga mataas ang risk. Pero iba ang utak ng matanda na to. Tinawag nyang itong ""rat poison squared" and an unproductive asset that “has no unique value at all.”
[source].
Ngunit ang kompanya nya ay
Warren Buffett Doesn't Own Bitcoin, but His Company Is Betting $1 Billion on This Crypto Stock.4. Jamie Dimon - CEO ng JP Morgan Chase (
https://www.jpmorganchase.com/)

Isa parin to, na tinawag na
fraud ang Bitcoin pitong taon na ang nakakaraan. Pero marami narin nagbago sa kompanya nya, katulad nito,
JPMorganChase and Coinbase Launch Strategic Partnership to Make Buying Crypto Easier than Ever. At parang nagbago rin ang kanyang pananaw sa teknolohiya sa likod ng Bitcoin.
Jamie Dimon says he regrets calling bitcoin a fraud and believes in the technology behind it.5. Donald Trump - pang 45th at 47th President ng Estados Unidos (
https://www.whitehouse.gov/administration/donald-j-trump/)

Nung 2019, nag tweet si Trump at sinabing hindi sya fan ng Bitcoin.
https://x.com/realDonaldTrump/status/1149472282584072192?lang=enPero sabi nga, "how time flies", kasi nung 2024 kampanya nya sa pagka pangulo, bumaliktad sya at naging supporta sa Bitcoin. At nung nanalo sya, aminin man natin o hindi, naging malaking papel ang pag suporta nya dito. Sya ay
Fact Sheet: President Donald J. Trump Establishes the Strategic Bitcoin Reserve and U.S. Digital Asset Stockpile. At sa ngayon nga, ang Estados Unidos ay may pinakamaraming hawak na Bitcoin
[source].