Bitcoin Forum
April 04, 2026, 03:15:46 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 30.2 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: « 1 [2]  All
  Print  
Author Topic: Top Exchanges lumalaki, pero wala tayong access?  (Read 222 times)
Ziskinberg (OP)
Hero Member
*****
Offline Offline

Activity: 3528
Merit: 823



View Profile
September 16, 2025, 06:29:15 AM
 #21

Hindi ko talaga ramdam yung sinasabi nilang higpit. Kasi kung talagang wala tayong access sa mga big exchange, bakit hanggang ngayon okay pa rin yung paggamit ko sa Binance? P2P buy and sell, goods pa rin.
Para sakin guni-guni lang nila yon ika nga. Malabong mangyari na totally i-ban nila yung mga exchange na yan unless gawing criminal law dito sa Pinas yung paggamit ng exchange na hindi registered.
Dun lang siguro mababawasan yung mga users. Eh itong Binance, ang tagal na nilang sinasabi na hindi registered, pero hanggang ngayon nagagamit pa rin naman.

Hindi na natin maitatanggi na puwede nating ma-access ang Binance via DNS bypass. Pero yung news yata ang ibig sabihin, kung legal ang usapan. Sa ngayon kapag nag-bypass tayo, technically illegal yun, maaaring hindi tayo hahabulin ng batas pero nawawala yung legal protection. May mga marunong talaga mag-bypass, may iba hindi. Sa tingin niyo, ipagpapatuloy na lang ba natin ’to o mas safe hintayin na maging legal?

cryptoaddictchie
Legendary
*
Offline Offline

Activity: 2772
Merit: 1533



View Profile
September 16, 2025, 06:42:11 AM
 #22

Ito rin sana gusto kong makita, grabe talaga ang corruption dito sa bansa natin. Kahit anong agency may issue, minsan pati sa simbahan may kupit pa rin. Tingnan na lang natin ngayon sa flood control investigation, sigurado marami ang mahuhuli at makukulong. Sana naman maging daan ‘to para magtino na rin kahit papaano yung mga government agencies natin.
Di ko alam if may aasahan ba diyan sa flood control pag malapit na ma timbog yung mga bossing or leader eh biglang naiiba ang sitwasyon. Kung ako sa Presidente eh kung talagang gusto niya umayos ang bansa eh kahit kaibigan niya pa or kamaganak ang salarin eh wag niya palampasin dahil pera ng tao nakasalalay eh di naman kaunting pera lang malaking pera.

Peanutswar
Legendary
*
Online Online

Activity: 2240
Merit: 1858


Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL


View Profile
September 17, 2025, 02:59:49 PM
 #23

Sabi sa CoinDesk report, umabot ng $9.7T ang trading volume ng mga centralized exchanges ngayong Agosto, pinakamalaki ngayong taon. Malaki ang inangat ni Gate (halos 99% growth) at syempre si Binance pa rin ang #1.

Ang problema, dito sa Pilipinas halos lahat ng malalaking exchange na ito ay nasa SEC advisory list dahil wala silang local license. So habang lumalaki ang market worldwide, baka tayo dito ay mawalan ng access sa mismong liquidity.

Ironically, may panukala pa sa congress na bumili ang gobyerno ng 10,000 BTC para sa “Strategic Bitcoin Reserve,” pero yung mga ordinaryong trader baka mawalan ng access sa exchanges kung tuloy-tuloy ang higpit.

Ano sa tingin niyo, tama ba na unahin ang regulation kahit mahirapan ang Pinoy traders? O mas dapat bigyan muna ng access bago higpitan?


Gusto nila mag adopt ng crypto or the bitcoin itself tapos gusto nila push through sa mga tao na gamitin natin yung mga local exchange para sa kanila eh tingin nga natin hindi makatarungan yung mga rates nila at fees so maski ako na off gamitin itong mga to ang babagal pa ng support minsan tapos laging down yung market. So if gusto nila mag adopt tayo dito is dapat pag igihin muna nila yung mga local natin at the first place tsaka tignan nyo base sa Binance before is may humaharang daw sa kanila na large player kaya di sila makapag provide ng license so imagine pa yung the rest na exchange.

 
 b1exch.to 
  ETH      DAI   
  BTC      LTC   
  USDT     XMR    
.███████████▄▀▄▀
█████████▄█▄▀
███████████
███████▄█▀
█▀█
▄▄▀░░██▄▄
▄▀██▄▀█████▄
██▄▀░▄██████
███████░█████
█░████░█████████
█░█░█░████░█████
█░█░█░██░█████
▀▀▀▄█▄████▀▀▀
Pages: « 1 [2]  All
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!