Tingin niyo ba makakatulong talaga ito para dumami ang crypto users dito, or baka hype lang at hindi rin ganun ka-usable sa real life dahil sa daming restrictions?
Hype lang yung mga ganitong balita. Sobrang daming blockchain na ngayon na nagsasabi na meron silang cheaper fees at faster transaction. Kaya parang partnership hype lang din yung mga ganito. Sabihin nating may tulong din talaga siya sa totoong buhay pero kung sa impact, madami ng options sa ngayon at yung pinaka mas mapagkakatiwalaan ang ginagamit ng mga tao sa ngayon. Kaya ang siste parang hype lang siya tapos unti unti ng mawawala hanggang sa wala ng atensyon ang ibibigay diyan. Sanay naman na tayo sa mga partnership news.
curious lang ako, if hype lang yan,, anong purpose naman ng news na yan?
I mean, paano makakatulong sa kani ang hype?

Parang ang mindset kasi ng karamihan ngayon basta may i-release na magandang balita na related sa partnership, mabilis na transaction at mas mura. Tataas ang price. Pero madami ng ganyang news at madami naman na ding platforms, wallets, o pati crypto na ginagamit ang mga OFWs natin para sa remittance na hassle free at mas mapagkakatiwalaan nila. Sa tingin ko, dagdag alternative na lang din ito para sa ating lahat at kung sakali mang out of nowhere may gusto magpadala gamit yan, at least may option pa rin naman tayo at yung mga OFW.