Yung isang araw may naghihikayat na naman sa akin para mag invest. At 30k pa yung initial investment, subrang laki talaga. Sabi pa niya, kakawithdraw lang daw ng kapatid niya. Guaranteed money back at marami na daw sumali nito.
Pero naging pranka ako at inayawan ko siya dahil sa ganyang mga taktika, hindi malayo sa magiging scam. Ang kawawa ay yung bagong pasok dahil yung pera nila ay para lang sa nauunang pinakuan ng kapalit. Kapag wala ng mag-iinvest, eh wala kana ring matatanggap.
Ramdam ko talaga na karamihan sa kababayan natin subrang dahil mahulog sa mga ganitong bagay. Gusto ata yumaman agad.
Pyramid scheme yan e, parang kada makakainvite ka meron kang makukuha, parang nangyayare need din maginvite nung nainvite mo para siya kumita or kung hindi man meron silang gingawa na parang may product, na parang ngbebenta ka, pero front lang siya, ang totoo para kumita ka din need mo maginvite, cycle siya paulit ulit, pagkatapos pagwala ng mainvite andun na onte onte nang magkakaproblema, maintenance, di muna makapagwithdraw may upgrade kuno, tapos isa isa, mwawala mga contacts mo sa kanila pagkatapos mawawala na sunod ung app, sunod website pagkatapos wala kanang habol, kaya marami naloloko dahil nasisilaw sa profit hindi nila alam pera nila iyon.