dapat bang unahan na rin ng Pilipinas bago tumaas pa lalo ang presyo?
Wait it out. Kinakailangan din kasi muna na planuhin at pagtibaying maigi ang mga policies and regulations ng Pilipinas when it comes to BTC and cryptocurrencies as a whole.
As of now, hindi pa buo 'yung structures to fully support it, like local laws at agencies na mangangasiwa dito. Kinakailangan masiguro natin na if ever magkakaroon man ng BTC reserve ang Pilipinas ay hindi ito magagalaw ng kahit na sino ng walang anumang pahintulot, for short, zero corruption + outmost transparency.
Isa pa, hindi pa din ganun ka lawak ang BTC adoption sa Pilipinas. For sure, 'yung ibang mga mamababatas diyan, baka hindi nga alam kung ano 'tong Bitcoin and if ignorante sila patungkol dito, malamang ay hindi maipapasa yung House Bill No. 421 ni Cong. Villafuerte.