Ano sa tingin niyo, mga kababayan? Ready na ba tayo para sa blockchain voting, o baka madagdagan lang ito ng bagong problema sa halip na solusyon?
For now, hindi. Kinakailangan kasi na kapag isasagawa ang pag-boto through blockchain ay makakasiguro tayo na walang kahit anong problema ang mangyayari at the day of election. Hindi handa ang infrastructure ng Pilipinas for that.
Kuryente - Most rural areas experience a few hours of brownouts kada araw. True, pupwedeng gamitan ng generator or back-up power pero papano if that part is sabotaged too?
Internet - Well, we all know hindi reliable and internet sa Pilipinas. Bibili ng starlink? Kapag makulimlim ang panahon, hindi din naman reliable 'yon.
Voters - Kinakailangan may alam ang mga tao sa blockchain bago 'eto e-implement. Kinakailangan din ng magandang voter identification process to ensure na hindi mga nakalibing 'yung boboto.
Funds - Dapat transparent din sa paggamit ng pondo sa pagbuo ng infrastructure ng blockchain voting, zero corruption.
Governement Agencies - Kailangan fully equipped ang mga government agencies na mangangasiwa sa voting process, dapat handa sila sa anumang sobotaheng magaganap sa araw ng eleksyon like DDOS attacks, Physical harm sa servers like sunog, bad weather tulad ng pagbaha, lindol, etc. at dapat katuwang nila ang mga local NGO at iba't ibang political parties para sa 'pag authenticate ng bawat boto.
We're far from ready. Unahin na muna na maipasa 'yung mga naka-pending na mga bills sa congress patungkol sa crypto/bitcoin.
