Nagbabala kamakailan ang The Swiss National Cyber Security Centre (NCSC) tungkol sa mga taong nawawala ang Iphone nila. Ang atake ng mga kriminal ay ganito, pag nawala ang Iphone mo, pwede ka gumawa ng custom message sa Apple's Find my App na lumalabas sa screen ng nawawala mong Iphone. So naka lock nga ang Iphone mo, pero makikita dun ang contact number mo at email address.
At gagawin naman nitong mga cyber threat na to ay magpadala ng phishing text or smishing na kunwari eh sila ay kasama ng Find my team at sasabihin na nakita na nag Iphone mo.
https://www.ncsc.admin.ch/ncsc/en/home/aktuell/im-fokus/2025/wochenrueckblick_44.htmlAt katulad na nakasaad sa imahe na yan, pag na click mo yung link eh pupunta sa katulad na website na katulad na katulad sa Find my App. At kung hindi mo napansin at nilagay mo at impormasyon mo katulad ng Apple ID at password, mapupunta na sa kanila ang kontrol ng iyong Iphone dahil matatanggal na nila ang Apple's Activate lock.