Kung puro kitaan lang ang nasa isip nila ay wala talaga silang mapapala dito lalo na kung nagmamadali silang kumita. Pero kung interested talaga sila kay Bitcoin at iba pang crypto ay pwede naman talaga silang mag stay at maging updated sa mga bagay bagay na hindi muna iisipin na kikita sila dito.
Pero kung yun nga ang target agad nila ay makasali sa sig campaign ay di talaga sila tatagal dahil mababagot lang sila dahil sa hirap magpa rank up ngayon.
Kaya maganda talaga kapag nag popost ng valuable discussions ang mga kababayan natin para may mabasa at mapagusapan tayo dito, tsaka maging mas maayos pa ang merit circulation para mas ma inspired ang mga bahugan na mag contribute tsaka tumagal na din dito.
Well, ayon naman na kasi talaga ang nangyayari ngayon dahil maraming alternatives, di tayo makakapag-act na tayo lang yung mga source kasi andami ng platforms na pwedeng tambayan kaya tayo na ang nasa least option. Kaya ang no. 1 na naiisip nila palagi is kung meron bang kikitain dito, mamomonetize kaya nila ang activity sa forum? Syempre understandable wala ding may gusto magaksaya ng oras. Di ko rin trip icompare yung experiences ko nung nagsisimula dito, kasi that time may idea ako sa nangyayari dito and wala pang ibang community na solid kundi ito lang. Sure din ako na karamihan sa atin dito, napadpad at tumagal due to bounties, nalaman na may profit.
Regarding sa post naman, feel ko hindi lang general topics which is yun yung madalas ma-post sa local. Need natin ng topics na talagang extraordinary, yung makakapagturo even sa different sides ng crypto, not just only about bitcoin kasi yung kay BTC searchable naman sa net yan, hindi naman tayo no.1 source ng info about dyan kahit magpost nang magpost tayo ng topics.