With that year, wala pa akong alam about sa internet and bitcoin of coruse, nakita ko nga yung mga post ko nung 2012 sa social media ko dumaan lang sa memories ang ginawa ko lang before is mag clash of clans lang talaga tapos mag laro ng mga online games sa internet tulad nang asa meme picture na yan, so imagine if may naligaw man lang na advertisement sa akin about sa bitcoin that time and may pag ka technical na ako dun siguro is nag claim ako dati sa faucet nayan tapos tamang chill na lang ako sa all time high.
Sobrang busy nating lahat niyan sa mga laro dahil mga kabataan pa natin. Yung mga oras na nilaan natin sa internet noon kung humingi tayo ng pambili sa mga magulang natin tapos binili ng bitcoin, paldong paldo sana. Kaso iba talaga ang sitwasyon dati. Hindi ko din naman nabasa o nakita kung kanino man dati yan, hindi rin naman nakakahinayang dahil nag enjoy ako sa kabataan ko. Ang nakikita ko lang kasing mga internet spams dati yung nanalo daw sa raffle, at yun ang nakadale sa mga pc na nirent ko pati sa hiniraman ko sa mga kamag anak ko. Nagkaroon pa ng adware pero parehas tayo kung may naligaw man lang na advertisement tungkol sa bitcoin at baka pati ng faucet na yan baka naging curious din ako.
Yun nga uso pa nyan ang mga computer shop dati at karamihan sa atin ay naglalaro pa ng Dota or di kaya yang vice city dahil yan ang ang sikat na mga laro dati.
No knowledge pa talaga tayo nyan dahil limited lang din ang information about Bitcoin at kahit na sa ibang pagkakakitaan online.
Pero kahit na ganun pa man maganda talaga magbasa ng mga nangyayari nung nakaraan. Dahil makikita natin yung iba sa mga early adopters ay pumaldo lalo na yung mga nakapag hold or di kaya nakalimutan na meron pala silang Bitcoin na nakatago at na diskubre lang nila ng makita nila ang kanilang mga wallet.