At nung sinubukan ko syang i access, heto ang lumabas sakin na redirect ako from their original website na
Parang isa ito sa naisip dati bilhin ng binance yung VASP license nila pero parang abandoned na yan. Naalala ko navisit ko yan one time tapos naghiring pa ata yan pero wala na at expired na nga license nila kaya sana makapasok binance ulit dito sa atin.
Pa-hype lang pala, wala namang list hehe.
Pero honestly, kahit meron pa, hindi rin naman interesting yung news na yan. Kahit sabihin nilang “blocked,” until now accessible pa rin. Di na nga tayo gumagamit ng VPN, Binance easy access lang, at yan pa mismo ang paborito ng mga Filipino.
Try kaya nilang i-disable talaga yung access dito sa atin. Pag nangyari yan, saka pa siguro natin sila seryosohin.
For now, parang puro salita lang.
Yun nga, pwede pa rin naman natin sila ma-access through VPN at basta okay lang din sa mga exchanges na yan dahil aware naman sila ng sitwasyon dito sa bansa natin.
Parang halos lahat ata ng international exchanges para masolo lang ng illang local exchanges natin ang market dito.
Masyadong magulo talaga sila, blocked lang ata kasi to sa mga telco providers natin kasi yung mga trading platforms na to for sure hindi rin aware sila na na block sila dito sa Philippines kasi for sure pwede mo parin gamitin mga platform nila not unless di ka talaga nila tatanggap for example during signup at KYC verification.
Basta tayong citizens ang hindi blocked sa kanila ay okay pa rin sila gamitin. Baka may mga messages or emails naman sila sigurong pinadala sa mga blinock nila. Pero kung wala, grabe lang sila na walang kaconcern concern sa mga kapwa pinoy nilang users ng mga platforms na yan.