Hindi ginawa ng gobyerno dahil wala nman silang balak paunlarin ang bansa natin. Kung makikita natin puro lang infrastracture projects, puro daan, at iba pa...nakakalimutan na nila na nasa digital era na tayo. Which is kailangan din natin mapaaunlad at mapabuti pa dahil ang mga karatig bansa natin ay andoon na sa malakihang adaption. Kung hindi man lang tayo ang nasa huli, malamang isa tayo sa mga ASEAN countries na napag-iwanan na.
Pero hanggang pangarap na lamang ito dahil sa bulok na sistema ng bansa natin.
Hanggat walang pagbabago sa sistema natin, mananatili tayong ganito na laging uhaw sa mga bagong teknolohiya.
Yun lang talaga dahil sa kasalukuyang estado ng mga namumuno ngayon, halos lahat sa kanila ay wala halos ginawang matino para sa tao. Sarili lang nila pinapayaman nila kaya ayun bagsakan lahat at lugmok ngayon ang bansa natin.
Mas priority ng bansa natin na magpataw ng sandamakmak na tax bago magimplement ng pro-crypto programs sa bansa natin. Not only in crypto, kahit sa ibang services, mas nauuna ang tax-related na bagay kaysa pagandahin ang sistema kaya wala akong masasabi kund nakakainggit.
Tsaka thailand is one of the top tourist spot na bansa dito sa SEA at afaik, ang Pilpinas na ang nahuhuli kasi nagmamahalan na din ang mga bilihin sa mga sikat na tourist spot, kumbaga hindi na worth it puntahan ng mga tourist, masyado na ding na-fud ang ibang dayuhan sa bansa natin. Sobrang huli tayo sa progress, di man lang din makasabay, laging paurong din ang mga desisyon kaya hindi nakakagana. Kaya sana masimulan na ang lahat ng pagbabago ngayong 2026, makasabay tayo sa ibang bansa.
Yun ang masakit talaga yun bang andami nating binabayarang tax pero wala naman tayong napapala. Ginagamit lang ng kasalukuyang namumuno ang pera natin para payamanin ang sarili nila at pabanguhin ang kanilang pangalan. Pero sa mga batas na ginawa at serbisyo sa tao ay wala talaga .
Issue din talaga yung sobrang mahal ng bilihin sa mga kilalang tourist spot sa bansa natin at hindi ito ma regulate ng maayos ng gobyerno at dahil dito na dismaya lalo ang mga tourista at mas pinili nalang na pumunta sa ibang bansa gaya ng Thailand.
At the first place kasi pag hindi nila alam masyado ng mga common into government wala silang pag kakainteresan dito pero ayun nga dahil nakita na nila yung maraming kumikita ito crypto is dun lang nila napansin tulad ng axie era diba ang daming pumaldo dito tapos tsaka sila mag lalapat daw ng tax para sa mga axie player kasi malaki kitaan tas sumunod dito yung pump ng crypto or bitcoin kasi sobrang taas na nga so nag grab sila na mag take down nang mga hindi naman legally operated dito sa atin sa pinas like binance na walang license so lahat na possible nila magatasan sa crypto ginagawa na nila. Unlike with other countries na support ang ginagawa nila para lumaki lalo yung mga possible attraction sa kanila. Ewan ko ba sa government talaga need mag start mag linis.
Halos lahat sa kanila ang aim ay maganakaw kaya wala tayong mahihita sa kanila. Siguro ito narin ang epekto kapag mahina ang namumuno dahil harap harapan na talaga ang korapsyon na nangyayari sa bansa natin.
Kung tutuusin talaga mag kikita pa sana ang bansa natin kung nag take advantage lang ang gobyerno na papasukin yung mga legit exchange at iba pang crypto platform na gustong kumuha ng lisensya. Pero mas pinili nila ang trabahong pantamad at pinapaboran lang yung kayang magbigay ng malaking halaga sa kanila.