Okay naman ito and walang kaso. However anong klaseng details ang bibigay ng cex sa regulating body like BIR?C
According dito sa link, kabilang dito ang identity at tax residency ng mga users, value ng crypto assets sold or exchanged, pati na rin ang profits mula sa mga transactions. Hindi pa natin alam pano maiimplement ito at ang magiging actual effect nito. Siguro ay makikita natin sa mga unang bansa na mag implement nito sa 2027.
Another question is from what period or year; from 2028 'lang ba, from the exact time na maipatupad na 'tong CARF? Or huhukayin din nila mga previous trades, deposits, conversions, even p2p trades ng users way back from the moment they've registered on those crypto-exchanges?
Mukhang mahirap kung hahalukayin pa nila ang mga previous transactions mula sa pag register mo. Lalo na at lumipas na rin iyon, ano pang maitatax nila? Sa pagkakaintindi ko, para sa mga bandang naunang sumali sa planong ito, mag sisimula ang pag collect ng data this year, January 1. Hindi ko lang sigurado kung kailan ang sa Pilipinas, o baka next year pa.
Kidding aside, alam naman natin na hahantong tayo sa ganito. Ang tanong ko na lang is paano. I mean paano nila matratrack yung mga foreign exchanges kung at first place eh hindi naman sila rehistrado sa bansa natin. Mejo matagal pa naman ito at may 2 years pa bago nila maimplement so sa 2 years na yun, baka makagawa na sila ng paraan para matrack ang bawat transaction ng mga users ng exchange. Still hindi ko pa rin alam kung paano nila ito gagawin.
Cash cow ng gobyerno? Sa 2028 iba na ang presidente natin. Malay natin maging mulat na ang mga kababayan natin at maghalal na sila ng Presidente na mas maganda mamalakad kaysa sa kasalukuyang administrasyon.

Dahil maraming bansa ang kasali dito, maaaring yung mga foreign exchange mula sa mga bansang kabilang dito ay walang magagawa kundi sumunod at ibigay ang mga data na hinihingi ng tax authorities. Sana lang talaga ay mas marami na ang mga Pilipino ang natuto mula sa mga nakaraan at kasalukuyang administrasyon at wag na magpauto sa mga politiko at ang pagiging panatiko.