Hindi ko lang alam kung may nag tra-trade sa tin dito sa mga nasabing trading platform. Pero kung meron, baka kailagan nyo nang i-withdraw ang funds
Hindi ako nagti-trade sa Exness pero tingin ko parehas lang ang sitwasyon nila sa XM, hindi regulated dito sa bansa natin pero regulated sa ibang bansa and so far nag-exist pa rin naman sila kahit ang tagal na nilang bina-ban sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay nagti-trade ako sa XM at tingin ko safe ang funds ko rito kaya patuloy pa rin akong magti-trade sa kanila.
Kabayan, kung babasahin mo yung binigay kung link, may nakasaad tungkol sa XM:
An example of imposing further measures was when the regulator issued a cease-and-desist order against Trading Point Holdings Limited, operating under the names XM, XM Global Limited, and XM Philippines, a platform endorsed by Filipino boxing icon and former senator Emmanuel “Manny” D. Pacquiao, Sr. and forex coach/trader Jonathan Lou Reyes.
So ingat parin.
Good information kabayan. Maybe this will help becomes visible sa mga users na gumagamit ng platform na ito. Imagine in iisa isa ng SEC ang mga ganitong kompanya na di sumusunod sa rules ng SEC.
By looking on the outer perspective it seems legit naman sila however they lack necessary permit and docs for them to operate here. So ang parang ang labas eh katulad din ito ng situation sa mga crypto platform natin like Binance noh? Or mas malala sila.
Ganun na nga ang nangyari dito, legit naman talaga, matagal na tong platform na to at siguradong maraming gumagamit na. Kaya wala silang lisensya, hindi sila rehistrado at walang autoridad na mag operate sa Pilipinas.
Pero naiitindihan ko rin ang saloobin ng karamihan sa lahat. Na halos lahat ng foreign crypto exchanges ay hindi nila pinapayagan mag operate sa tin. Pero sana mayroon tayong ibang local option na maayos. So far PDAX at Coins.ph pa lang talaga ang maririnig natin, pero iba iba parin ang opinyon natin sa 2 exchange na to. Meron iba good ang maganda ang experience, pero meron na hindi maganda.