pagkauwi ko galing grocery run, namangha talaga ako sa kung paano na magbayad sa isang branch sa robinsons supermarket. pagkatapos i-scan ng cashier ang mga items na pinamili ko, inutusan nya akong i-deposit ang pera sa isang machine pagkatapos. inantay ko hanggang sa masuklian ako. ngayon lang ako nakaencounter ng ganitong payment method kaya sinearch ko ito.
mukhang iniimplement na nga ito ng robinsons makikita sa isang facebook post na ito:
https://www.facebook.com/share/p/1DLZhZVqZg/ilan sa mga katanungan ko:
1. magkakaroon na ba ng less demand para sa mga cashiers dahil dito?
2. makakahabol na ba ang pilipinas sa mga more technically advanced countries sa asia? o sa buong mundo?
3. gaano katagal kaya bago ma-implement ito hindi lang sa robinsons kundi pati na rin sa mga sm?
anyway, namangha ako dito. efficient at less prone to human errors. ano sa tingin ninyo? nakagamit na rin ba kayo nito?