Wei Dai: Isa sa naging inspirasyon ni Satoshi Nakamoto
Talaan ng NilalamanPanimulaKapag pinag-uusapan natin ang mga posibleng inspirasyon ni
Satoshi Nakamoto sa pag-gawa ng Bitcoin, malamang na nababanggit ang mga pangalan tulad nina David Chaum, Adam Back, at Hal Finney. Ngunit may isang tao na tahimik ngunit napakalalim ang naging impluwensya sa disenyo ng Bitcoin at ito ay walang iba kundi si
Wei Dai.
Si Wei Dai ang lumikha ng konsepto ng
b-money, isang ideya na inilathala noong 1998, mahigit sampung taon bago inilabas ni Satoshi ang Bitcoin. Bagama’t hindi kailanman naging aktwal na sistema ang b-money, ang mga prinsipyo nito ay makikita natin sa Bitcoin at pwede nating sabihin na marami silang pagkaka-pareho.
Sino si Wei Dai?Si Wei Dai na nagmula sa China at lumaki sa Estados Unidos. Nagtapos siya ng Computer Science sa University of Washington. Sya ay nagtrabaho sa Microsoft bilang isang cryptographer. Ngunit si Wei Dai ay gumawa ng pangalan dahil sya ay aktibong miyembro ng
cypherpunk movement noong 1990's. Ang mga cypherpunks ay isang grupo ng mga matematiko, computer programmer, at aktibista na naniniwala na ang cryptography ay isang paraan upang maprotektahan ang kalayaan, privacy, at kalayaan sa pananalapi. Sila ay laban sa sobrang kapangyarihan ng estado at sentralisadong institusyon. Sa email list ng cypherpunks, pinag-uusapan ang mga ideya tungkol sa digital na pera, anonymous systems, at cryptographic protocols. Dito lumitaw si Wei Dai bilang isa sa mga maimpluwensyang tagapag-isip ng grupong ito.
Makikita rin natin ang kanyang account dito sa forum:
Wei DaiAno ang b-money?Noong 1998, inilathala ni Wei Dai ang isang proposal na pinamagatang:
“B-money: an anonymous, distributed electronic cash system”Sa dokumentong ito, pinakita niya ang dalawang protocol para sa isang "anonymous, distributed electronic cash system."
Ang
unang protocol ay para sa isang maliit na komunidad kung saan ang bawat miyembro nito ay nagma-maintain ng isang database.
Ang ikalawang protocol, na mas komplikado, ay nagmumungkahi ng isang sistema kung saan ang mga kalahok (na kalaunan ay tatawaging "miners") ay magpapatunay ng mga nangyayaring transaksyon at magpapanatili ng isang sentral na ledger sa exchange ng kompensasyon.
Mukhang pamilyar sa atin to.Mga Prinsipyong Inilahad ng b-moneyIlan sa mga pangunahing ideya ng b-money ay ang mga sumusunod:
- Ang pangangailangan ng proof-of-work para sa paglikha ng pera
- Ang paggamit ng digital signatures para sa pagpapatunay ng transaksyon
- Ang ideya ng distributed consensus sa halip na sentralisadong awtoridad
- Ang konsepto ng incentivizing participants para sa pagpapanatili ng network
Bagama't hindi ito na-implement nang praktikal, ang b-money proposal ay naglalaman ng mga idea na ginamit ni Satoshi sa pang gawa nya ng Bitcoin, lalo na ang POW (Proof-of-Work) concept.
Direktang Koneksyon sa BitcoinIsa sa pinakamatibay na ebidensya na impluwensya ni Wei Dai ay ang
direktang binanggit si Wei Dai sa Bitcoin whitepaper.
Sa references section ng Bitcoin whitepaper, makikita ang:

Ipinapakita nito na hindi lamang alam ni Satoshi ang b-money, kundi malinaw na kinilala niya ito bilang isa sa mga inspirasyon ng Bitcoin.
Pakikipag-ugnayan ni Satoshi kay Wei DaiMay isang kilalang email exchange kung saan
personal na kinontak ni Satoshi Nakamoto si Wei Dai bago o habang ginagawa nito ang Bitcoin. Sa email na ito, ipinaliwanag ni Satoshi ang kanyang ginagawa at binanggit na ang Bitcoin ay maaaring itulad sa b-money, kahit hindi ito eksakto kopya.
Ayon mismo kay Wei Dai, hindi niya agad napansin ang email ni Satoshi, at huli nyang nalaman ang kahalagahan nito.
Bakit Mahalaga si Wei Dai sa Kasaysayan ng BitcoinSi Wei Dai ay mahalaga:
Dahil sya ang naglatag ng maraming idea nung umpisa para sa decentralized money. Ipinakita nya ang konsepto ng pera na walang sentral na issuer. At ito ang naging isa sa mga pundasyon ng Bitcoin. Kaya kung iisipin mo, kung walang b-money nya, wala rin siguro ang anyo ng Bitcoin o malamang iba ang hitsura nito ngayon o hindi ito na isip ni Satoshi.
KonklusyonSi Wei Dai ay hindi lamang “isa pang pangalan” sa kasaysayan ng Bitcoin. Siya ay isa sa naging inspirasyon ni Satoshi, maging sa pilosopikal o teknical na aspesto ng Bitcoin. Bagama't hindi sya direktang kasali sa pang gawa ng Bitcoin, masasabi naman natin na ang kanyang mga idea ay nagsilbing blueprint ni Satoshi. Kaya para sa akin, pero sya ay matuturing na tahimik na arkitekto ng tinatawag natin ngayong Bitcoin.
Sources at References