Grabe ang price ng BTC dati sobrang baba pa, parang pa-10 years na din pala ako dito sa bitcointalk imagine that, nasaksihan ko mga pagbagsak at pagtaas ni BTC. Kahit yung eth dati, sobrang mura to the point na binebenta ko lang din talaga siya agad for academic funds. Pagkalipas ng ilang years, grabe at naka survive tayo sa different market situation, andito pa din tayo at matatag. Kung marami lang din akong pera that time, nakapag-hold din sana ako ng BTC kasi may access pa din ako sa wallets ko that time eh so masesecure ko siya for years kaso it is what it is, kakamiss talaga yung era ng 2016 parang ang daming magandang nangyari.
Pagkakaalala nakikita ko na ang Bitcoin around 100$ pa lang ang presyo neto, mayroon na akong holdings dito sa coins.ph pero maliit na amount lang dahil sinabe lang saken ito ng kaibigan ko na subukan ko, pero dahil student pa ako wala naman akong panginvest talaga na malaking halaga kaya, siguro around one thousand to three thousand na siguro ang pinakamalaking investment ko noon pero dahil nakikita ko na tumataas talaga ang presyo ng Bitcoin ay nakikita ko din na tumataas yung investments ko, kaya kahit papano ay kumikita ako noon, pero dahil student pa nilalabas ko din naman agad ang investments ko dahil syempre marami kang gustong bilin kapag bata ka pa

Mukang around 2017 na ako nakapagstart dito sa forum and dun na lang ako natuto, na pinakanagulat na siguro talaga ako noon umangat na papuntang twenty thousand ang presyo ng Bitcoin and naalala ko noong lumagpas pa ng one hundred thousand talaga halos lahat kame ng mga friends ko tuwang tuwa dahil kumikita talaga kame kahit sa student pa lang. Sobrang hirap lang talaga maghold longterm narealize ko lang ngayon na marami na akong experience na kailangan mo ng years kung gusto mong kumikita talaga o pumaldo ng malaki, pagkakaalala ko pa noon na sinabe saken ng friend ko na kung gusto ko na kumita talaga ng malaki dapat daw minimum na ang five years na hold bago ko magcashout dahil five years daw talaga ang pinakaprofit, kung sinunod ko siguro and hindi ako gastos ng gastos baka sobrang laki na nga ng profit ko.
Sa lahat ng itinaas from that time I guess si Dogecoin ang may pinakamalaking porsyento diyan at Isa rin sa mga pinaka desentralisadong coin na nasa top 10. Good thing sa mga nag hold up to these days.
May mga bagay talaga na hindi para satin, pero hindi ibig sabihin na wala nang chance, keep grinding mga kabayan.
For me I guess not late pero sa ngayon I think mas dapat pili sa kung anong coin ang iho-hold kasi yung ibang mga alts from now ay may potential rin naman na magkaroon ng ganitong run for another 10 years.
medjo may kaunteng chamba din talaga dahil yung mga top tokens din dati nawala rin talaga sa list and tuluyan ng bumagsak, nahihirapan din siguro sila magadopt dahil kung walang bago sa project nila matatabunan na sila ng mga bagong tokens ngayon lalo na yung mga trending na AI token ngayon sa market.