Unang una ay dahil sa natural gas, maaaring mas mumura na ang kuryente sa bansa na maaaring maging tulay para sa mga bitcoin miners na ituloy na ang pagmamine ng bitcoin. Ang magandang balita pa ay may signs daw na maaari pang magproduce ang natagpuan nila.
I think hindi 'lang mahal na kuryente ang 'cause kung bakit wala gaanong nagkaka-interest na mag-setup ng Bitcoin mining farm dito sa Pilipinas.
- Climate - Tropical climate kasi tayo and we all know na kapag tirik ang araw dito sa atin, talagang mainit. BTC mining farms need to be in a cool place to work efficiently and para less cost.
- Corruption - Baka 'yung mga investors hesitant 'din because they know how corrupt our government is. If gusto nila magtayo ng mining farms, then they would need to procure permits, and doon magsisimula ang corruption. Since they are "mining BTC" baka hihingan sila ng milyones.
- Natural Disasters - Well, we all know what this is. Hindi natatapos ang taon dito sa Pilipinas na walang bagyong dumadaan. May mga lindol 'din maya't-maya since we are in the Pacific Ring of Fire. Cause for concern talaga 'yan, lalo na when you're planning on building a mining farm.
- Environmental concerns - If by any chance naman na gugustuhin ng investor na maghukay na 'lang sa ilalim ng lupa at doon maglagay ng mining farm, they would need to get approval first from DENR at mga environmental activists, since anything related to clearing a bunch of trees/land dito sa atin - marami agad nagtataas ng kilay.
- Political Will - Even if 'yang nakitang natural gas ay napakarami - it would still not solve our energy problems kung hindi naman gagamitin ng maayos.
Walang kamatayan 'tong problema sa kuryente dito sa Pilipinas, either mahal or walang kwenta 'yung serbisyo ng mga electric distribution companies and coops.
If you live in province like I do, malamang bahay mo either naka-solar setup na or sandamak-mak ang UPS (Uninterruptible Power Supply) nyo.
