Kelangan talaga sa panahon ngayon kilatisin mong mabuti kung anung nakikita natin sa internet, dahil kapag padalos dalos ka at madali magdecided, sigurado limas talaga, tulad na nga lang nung mga naniniwala sa mga nanalo daw, or magdeposit kalang ng bitcoin sa isang bitcoin ATM, dapat talaga merong dedicated na site na dapat tutulong sa kanila iyong madaling maaccess at madali nilang maintindihan, sa ating bansa kasi puro lang magingat tayo, pero papanu ito labanan medyo kulang, may iba din naman na nascam na nga wala paring kadala dala.
Actually, maraming klaseng scam. Pero isang bagay lang talaga ang dapat tandaan, ito rin yung madalas kong nababasa, when it’s too good to be true, it’s not true.
Kaya iwas na agad bago ka pa makapasok sa bitag. Matatalino talaga ang mga scammers, kaya dapat mas maging matalino tayo para hindi maloko. Usually ang targets nila yung mga matatanda, may savings at willing mag-invest, pero kulang sa kaalaman.