Maling Paraan ng Pag-iimbak ng Seed Phrase
Isang babala para sa lahat ng gumagamit ng self-custody wallets
PANIMULA:Sa mundo na ginagalawan natin, lalo na karamihan sa atin ay nasa Bitcoin at tinatago to sa mga self-custody wallets, mahalagang malaman yung paano to itatago at ito ang "susi" sa ating pera. Hindi ito pwedeng ihalintulad sa mga password natin na basta basta pwede nating i-reset kung nakalimutan natin to. Dito sa Bitcoin, pag nawala ang mnemonic or seed phrase mo, tapos na ka.
Maraming mga indibidual ang nawawalang ng Bitcoin dahil sa wallet o kaya sa isang protocol bug. Sila at nawawalan dail sa mga maling pag-iimbak ng kanilang mnemonic or seed phrase. Kadalasan ang mga rason at matatawag nating "convenience choice" katulad lamang ng pag screenshot nito.
Narito ang mga ilang rason at mga maling paraan ng pag-iimbak ng seed phrase, at bakit sila mapanganib. Sana wala sa inyo ang gumagawa nito para hindi kayo mabiktima.
I. Screenshot sa Cellphone at Pag-save sa Cloud Storage Heto kadalasan sa tin na posibleng ginagawa, ang mag screen shot ng seed phrase. Oo, convenient nga satin, pero lubang mapanganib to sa crypto security. Halos lahat na ng phone at may automatic cloud back up katulad ng Google Photos o iCloud. At kahit burahin mo to, ito aty nasa “Recently Deleted”. Kaya nga kung papansin nyo, at daming mga malware na ginagawa ng mga cyber criminals na mag scan ng images at maghanap ng text pattern. At kapag may nakita sila, wala na, mananakaw ng ang Bitcoin mo. Kaya dapat ay wag tayong mag lagay sa ano mang Cloud Storage (Google Drive, iCloud, Dropbox)
Halimbawa ng Malware:
SpyAgent malware targets crypto wallets by stealing screenshots.
II. Pag-send sa Email o Messaging AppsDito naman ay pamilyar na rin tayo, papadala natin sa ating mga email address or Message apps at akala natin eh safe dahil encrypted and mga usapan at walang makakakita nito. Ngunit pag na hack ang email mo, posibleng na mag search agad ang mga kriminal at hanapin ang mga salita katulad ng “seed”, “wallet”, o “recovery phrase”. Ganun din sa mga Messaging Apps, babalikan lang ang history mo at maghahanap dun.
Kung sa Email pwede mong gamitin tong tool na to
I have been pawned, para ma check kung ang Email mo ay na compromised.
III. Notes AppWala namang duda na ang Note apss ay ginawa para makatulong sa atin. Pero hindi parin pwede tong i-trato na ligtas para itago natin lalo na sa mga notes apps ang mga seed phrase natin kasi nga pag na hack o na-install ang malware na may kapabilidad na magnakaw ng ating seed phrase, tayo ay mabibiktima nito.
Ang notes apps ay kadalasang auto-synced sa cloud, kaya isang compromised device lang ay sapat na para mawala ang lahat.
IV. Pag-print ng SeedHindi rin maganda tong pagpi-print ng seed phrase at ito ay isang "attack surface' din. Ang mga litrato ay digital parin kahit anong angulo tingan to. May metadata, backup at copies. At ang papel naman eh nakapahina, maaaring masira agad to o kumupas ang tinta o baka mawala.
V. Pagkabisado Lang sa UtakMaraming topic tungkol dito sa forum na to sa aking pagsasaliksik. Pero ang utak natin ay hindi reliable, lalo na kung tayo ay tumatanda, lumalabo na rin ang ating memorya. Kaya hindi maganda sauluhin natin ang ating seed phrase. O kaya pag namatay ang isang tao, at walang back up syang ginawa, sayang ang Bitcoin at forever locked o lost na to. Ang utak ng tao ay hindi reliable storage. Stress, aksidente, sakit, o simpleng paglimot ay pwedeng magresulta sa permanenteng pagkawala ng funds.
Kapag namatay ang may-ari nang walang backup o inheritance plan, forever nang lost ang Bitcoin.
VI. Itinatago sa Kung Saan saan LangIto siguro nakapababaw talaga ng security model mo kung isinulat mo lang sa papel at tinago sa wallet o bag o drawer mo. Ang laki ng percentage na mawala/manakaw ang Bitcoin mo dito.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ka sa kuwentong ito:
My dog ate my seed phrase. Isinulat lang sa papel ang seed phrase at kinain ng kanyang aso ng iwan nyang bukas ang pinto ng kanyang kuwarto.
https://x.com/JasonNorton/status/1518008303388745730VII. Itinatago sa Flash DriveIsa ang kahinaan ng Flash Drive ay madali tong ma corrupt. Lalo na kung yung mabibili natin yung mga peke na ang dami ngayon. Baka sandali lang ang itagal nito at kapag i-access mo na ay sira na. O kaya naman ay nanakaw ito o naiwan mo kung saan lang.
VIII. Mga Sources at References