Akda ni:
1miauOriginal na Akda:
Why it’s important to avoid telling everyone about your crypto holdings
Sa unang tingin, hindi masamang sabihin sa ibang tao na mayroon kang Bitcoin, pero may mga detalye na dapat kang tandaan:
Sabihin ito sa mga iyong mga kaibigan ay maaaring hindi maganda ideyaKahit sabihin mo na sila ay iyong mga kaibigan, kailangang maging maingat ka parin sa pagsabi sa kanila tungkol sa iyong hawak na crypto.
Katulad ng karamihan, may mga taong mabilis mainggit, lalo na kung ang tingin sa yo ay mayaman ka (kahit hindi) at magsimulang mag makaawa na sana bigyan mo sila. At ito ay magdudulot ng kawalan ng tiwala at ang magandang samahan nyo dati ay permanenteng masira.
O kaya sa kabaligtaran, alam nating lahat na mga ilan sa kanila ay hindi marunong magtago ng sekreto at sasabihin sa iba, at ikukuwento sa iba pa. Kapag ganun, posibleng ang mga taong nakakaalam nito, ay mag selos / magkaroon ng hindi magandang relasyon sa yo / o kaya naman ay mga kriminal na may plano na kunin ang iyong crypto.
Kaya naman, mas maraming taong nakakaalam ng iyong hawak na crypto, mas malaki ang pagkakataon na ang masasamang tao ang makakaalam nito.
Kapag naugnay ang iyong pag-kakakilanlan sa Internet sa totoo mong pagkatao ay lubhang mapanganibSa pagkahalatan hindi magandang ideya na gamitin mo ang tunay mong pangalan sa Internet, lalo na pag dating sa cryptocurrencies. Naaangkop to sa forums, sa mga pampublikong social media accounts patungkol sa cryptocurrencies lalo na sa lahat ng serbisyo, na kung saan ginagamit natin ang email address o kaparehas nito.
Dahil ang email address ay laging kailangan sa pagpa rehistro sa ibat-ibang accounts, kailangan mong gumamit ng bagong gawang email na wala ang tunay mong pangalan. Pino-protektahan nito laban sa spam at sa mga manloloko na gustong malaman ang tunay mong pangalan at saan ka nakatira.
Gamit ang social engineering, ang mga manloloko at maaring magsulat ng kanilang konklusyon tungkol sa tao, at ilan ang crypto na pag mamay-ari nila, saan nakatira at i-plano ang isang pagnanakaw.
Ang KYC ay pwede rin ibunyag ang iyong pagkakakilanlan sa mga taong hindi dapat malaman itoMay malaking maling pagkaunawa sa pagitan ng layunin at resulta ng isang KYC-procedure.
Mahalagang tandaan na kailangang maingat tayo at alam ang panganib sa paggawa ng KYC. Mas mabuting iwasan to kung kaya mo at sapagkat ayaw mong may masamang surpresa. Ang mga Mangloloko / Hackers ay gagamitin ang ninakaw / hacked na mga personal na impormasyon para malaman ng mas malalim ang iyong address / lokasyon / ibenta sa iba para sila ang mag plano ng pagnanakaw sa yo sa bahay ay kunin ang iyong crypto. Kahit ang Coinbase ay nahuling,
nagbebenta ng user data.Ito pa ang ilang mga dahilan kung bakit ang KYC ay ilalagay ka sa panganib.
Bakit ang KYC ay lubhang nakakatakot at walang silbi (hindi maaasahan)
Ang sobrang maling paghawak ng mga personal na impormasyon ay posibleng magdulot na ikaw ay mabiktima ng $ 5 wrench attackMaraming paraan na pag atake na kung saan ay pwede mong mawala ang iyong cryptocurrencies: scams, phishing sites o na hacked na wallets. Isang paraan para maiwasan ang sikat na $ 5 wrench attack:
https://xkcd.com/538/Pwede itong maiwasan ng maayos kung ang mga umaatake ay hindi alam ang iyong personal na datos at saan ka nakatira.
Sa huli, nasa bawat isa kung paano pangangalagan ang kanilang sariling datos ang kung sino ang makakaalam ng kanilang hawak na crypto. Isang patakaran, laging ina- abisuhan na mag-ingat kung may pagdududa. Kasama ang lahat ng aksyon sa Internet na isang posibleng may pagbabanta sa ating privacy.
Kapag ang impormasyon ay inilabas, hindi na natin pwede itong ibalik kasama na ang (masamang) kahihinatnan nito.
Ang pagsalin na ito ay ginawa sa inisyatiba ng: