Mga kabayan sa mga gumagamit sa inyo diyan ng binance medyo maging maingat kayo since inalis na ng google sa playstore nila hindi naman natin masabi na if pati ung access bigla mawala na, parang umaariba talaga ang sec ngayon talagang gusto tayo papuntahin sa local exchange na napakaganda at napaka madali magamit(sarcasm).
Pagtingin ko nga sa aking playstore wala na ito duon, sa ibang banda naman naandun parin si bybit at saka si mexc pero hindi natin alam if baka sumunod na sila kaya ang ating mga pondo ay ingat kasi mahirap na baka sumunod na ang ibang exchange, alinsunod nadin siguro ito sa request dati ng sec sa sa google at apple ng pagalis nito sa pilipinas.
Anung masasbi ninyo sa move na ito ng sec?
Narito ang balita ukol dito:
https://bitpinas.com/regulation/breaking-binance-google-sec/Still using binance and goods parin naman kahit na tinanggal sila sa playstore, sobrang disappointing ang nangyari at parang sa ginawa nilang ito there's little to no chance ang improvement ng crypcurrency sa bansa natin lalo na kung ganito ka kitid utak ng mga namumuno satin.
Imbis na e encourage maging legal platform ang mga malalaking exchange na yan ay pilit talaga nilang tinanggal. Kaya wala parang mapapipilitan pa ata ang mga tao na gamitin ang mga bulok na crypto wallets sa bansa natin.
Parang gusto kunang maniwala na may malaking pulitiko ang gusto mag monopolyo sa eksena para yung mga tao ay pumunta sa mga platforms na recommended nila.
This is not a good news para sa ating mga Binance users. Chineck ko din if totoo and yun nga wala na nga sa playstore yung Binance. Too bad for some new users. Though di naman affected ang old users still mahirap pa din tong sitwasyon ng mga crypto users.
Di ko ba alam bakit sobrang gigil sila na mawala ang mga Global platform eh wala naman kagana gana gamitin yung local platform na meron tayo. Di ko pagpapalit ang convenience ng Binance sa mga yan masyado sila matakaw sa taxes.
Wala na talaga at hinanapan talaga nila ito ng paraan para matanggal. Siguro nangingil sila sa perang kinikita ng Binance kaya gusto nila ma eliminate ito at pumasok ang lahat ng pinoy sa mga wallet na suggested nila.
Kung maganda sana yung service na ginawa nila ay okay lang sana pero di eh, kaya mangigigil ka talaga sa aksyon na ginawa ng gobyerno natin.
Parang alam ko na din ata ang susunod nito ah, parang taxation na ang binabalak nila pagkatapos nilang gawin ito.