Nitong nakaraang taon ay napakatunog ng mga Play to Earn games at sigurado akong marami sa atin ang nag-invest dito o nakisali sa ganitong programa. Naniniwala rin akong marami pa rin sa atin ang nagbibigay pansin sa mga Play to Earn Crypto games ngayon.
Sa mga nakaraan at kasalukuyang karanasan, sino sa atin ang nalugi sa pag-invest sa mga Play to Earn na crypto games na ito? Masasabi kong isa ako sa mga nag-invest at nalugi sa mga ganitong scheme. Ang masakit dito ay karamihan sa mga play to earn games ay nagsasara kaya hindi na natin maaring mabawi ang ating investment dahil nawalan na ng value ang mga core trading item ng mga larong ito.
Ayon sa Bitpinas, pagpasok pa lang ng 2026 ay may dalawang kilalang laro agad ang nagsara

at kung titingnan natin ang 2025 na listahan ng mga kilalang laro na nagsara:

Bukod pa ang
400 games na nadiscontinued noong 2023 at sinasabing
31% ng kabuoang listed blockchain games ang nagdiscontinue noong 2024 at ang mga natirang mga laro ay hindi rin maganda ang performance sa market.
Kung iisipin natin na kung ang mga perang ipinasok sana natin sa mga Play to Earn games at iba pang web3 blockchain games ay inilagak sana natin sa Bitcoin, malaki sana ang kinita natin noong kasagsagan ng bull run ng BTC. At kahit na sabihin nating bumagsak man ang presyo ng BTC ngayon, basta maghodl lang tayo at maghintay ng mga susunod na bull run ay siguradong makakbawi tayo at mas lalaki pa ang kikitain natin sa mga susunod na Bitcoin cycles.
Kaya kung sakali man na nakikita nating bumabagsak ang presyo ng Bitcoin ngayon ay natural lamang itong galaw ng kanyang merkado. Kahit na bumabagsak ang presyo nya tuwing bear market, bumabawi naman ito kapag bull market at ayon sa tala ng kanyang presyo ay nagrerekord pa ito ng panibagong All time High na presyo sa merkado. Hindi katulad ng mga Blockchain games na kapag sumubsob ay tuluyang nawawalan ng halaga.
Sa kasalukuyan, meron ba kayong mga pagsisi sa pag-invest ninyo sa mga Play to Earn crypto games, na sana ay ipinasok na lang ninyo sa Bitcoin market?