Sa kasalukuyan, meron ba kayong mga pagsisi sa pag-invest ninyo sa mga Play to Earn crypto games, na sana ay ipinasok na lang ninyo sa Bitcoin market?
Sa aking experience like about play-to-earn crypto games ay yung Axie lang eh, pero di naman talaga ako nalugi dun, pinagsisihan ko lang eh dapat nag exit lang talaga early, although sabihin natin nabawi ko naman yung nagasto if "investment" ang paguusapan natin.
Pagdating naman sa Bitcoin - yes, sobrang layo talaga pag sa Bitcoin lang nag invest at ibang usapan natin. Lalo na pag altcoins vs Bitcoins, ito yung natutunan ko talaga for the past few years, kaya ngayon Bitcoin na lang talaga iniipon o hold ko.
maraming nabaon sa axie sa mga late na pumasok pero ako hindi maaga medyo late pero enough para kumita, naging breeder ako before magpaisko.
Yung mga pure binebenta ko ng after malaspag sa breeding tapos yung iba naman na chops rekta isko. Nung hindi na stable at nagkakaproblem na nag exit ako sa pagbebenta ko ng mga virgin na pure.
Nabenta ko sila ng mga 100K each noon tapos pababa ng 50K. mga teams nakakabenta ng 120K nung dulo 30K nlng.
Good exit ginawa ko, kasama ko mga kapatid ko kaya magandang hatian.
natirang axie 93 = nabenta ko ng palugi nasa 50K ata all in..
200K SLP nahack sa ronin wallet.
In play to earn na may pagka pay to earn, meron supply and demand at pag hindi na maganda ang support bumibigay. very fragile ito, dapat pakiramdaman mo.
walang redemption pag bumagsak, suntok sa buwan makabawi.
Sa Bitcoin bumabagsak ang presyo pero habang tumatagal naubos ang minahan at hindi na marerenew pa, mabuti pa gold and other precious stones after 50 years or more nagkakaroon, may mga hidden gems na hindi pa nahuhukay sa Bitcoin all out na yun, hanggang dun nalang . ang BTC paubos ng paubos ang reserve pero padami ng padami ang investors daily. Bumaba man ngayon pero tataas at tataas parin dahil sa supply and demand.