Orihinal na akda ni:
theymosOrihinal na paksa:
AI guidelines
Sobra akong positibo sa pag gamit ng AI, pero may ilang sobra ang pag gamit nito kung saan nakakasama lalo sa ingay at dami nito sa forum. Hindi ninyo kailangan mag post ng isang "walang kabuluhan" na kahit ano, kahit ito pa ay galing pa sa AI o hindi. Pag nakita ng mga moderator ang isang post at sa tingin nila, "Ang taong to ay nag po-post ng isang walang kahulugan para lamang palakihin ang bilang ng kanilang post," dapat ang tao na ito ay i-ban, kahit saan pa man galing ang basurang ito *. Pero dahil sa AI ay mas madali na nila ito nagagawa at naisiin gawin ang pag post ng maraming mababaw na kalidad ng post: sa unang tingin mukha itong mataas na kalidad na usapin, pero pag katapos mo ito basahin nag mumukha itong mababaw dahil sa kawalan ng pagiging orihinal, masyadong maraming mga salita, at walang dating na parehas na pag sulat. Dagdag pa dito, isa sa kinakabahala ko ay ang hindi pag marka sa mga gawa ng AI dito sa forum na maaring malito ang mga AI para subukan aralin ang mga post sa forum, kung saan hindi ito kanais nais para sa libro ko dahil ito ay gawa sa AI pinapalala/hindi kumpleto at pinipigilan nito ang ang munting sulok ng sangkatauhan dahil sinasalamin lang pag gamit ng AI. (Kaya hindi namin hinaharang o nililimitahan kahit na sa unti-unting pag gapang ng AI sa forum.) Sumakatuwid, ang pangunahing bagay para sa mga forum user ay ang mga ito:
Hindi ninyo kailangan mag copy/paste ng sulat mula sa AI papunta sa inyong post, maliban sa mga ito:
- kung kayo ay may malinaw na intensiyon na sabihin na ang inyong post ay gawa ng AI, at kayo ay pawang
paminsan minsan at maayos na gumagamit ng gawa ng AI, kung ganyon ito ay OK lang.
- kung kayo ay gumagamit ng AI sa lahat ng oras at direktang pag salin nito sa inyong sulat ay OK lang ito. Halimbawa, maari mong sabihin sa AI na "
Direktang isalin itong teksto sa Espanyol: <kung ano ang iyong sinulat>" o di kaya ay "Palabasin ang sumusunod na teksto
na parehas kung ano ito, bukod sa maayos at ayusin ng tama ang mga gramatiko <kung ano ang iyong sinulat>". Ito ay
hindi OK na sabihin sa AI, "Pagandahin ang sulat na teksto <kung ano ang iyong sinulat>", dahil ito ay paniguradong uulitin ang lahat ng ginawa mo at mataas ang tyansang ito ay magiging isang walang kabuluhan na gawa ng AI.
- Ang hindi gawang AI na teksto tulad ng art ay OK lang (sa ilalim ng karawaniwang patakaran)
Maari kayong gumamit ng AI para sa pag ikakaganda ng inyong gramatika at estilo, o di kaya ay mag bigay sa inyo ng ideya, na sa inyo mismo nang galing ang mga mukhang ito, pero iwasan ang direktang pag salin mismo ng buong salita galit sa AI. Gayunpaman, minumungkahi kong iwasan ang umasa sa pag gamit ng AI, dahil ito ay halo na na may magandang suhisyon at maling suhisyon na maaring bumura sa inyong personalidad ng pag sukat. Maging bilang kayo lang sa pag sukat kaysa "tama" pero walang kabuhay-buhay.
* Kinikilala ko na kakaunti lamang ang mga taong naba-ban dahil sa pagkakaroon ng mababang kalidad ng mga post. Ang pangunahing problema ay hindi namin gusto na i-ban ang isang tao dahil lamang nag post ito ng isa o dalawang walang kwentang post, dahil ito lamang ay mayroong kakaibang pananaw o di kaya ay hindi kagalingan sa pag sulat. Para ito ay makilatis ng maayos ay kailangan namin basahin ang mga post nilang ito na mula 20-40. Pero sa pag gawa ng pag susuring ito (i.e ay kailangan basahin ang daang daang karinwan hanggang pangit na post) ay talagang nakaka ubos ng enerhiya, kaya walang may gusto gawin ito masyado. Pinag iisipan ko pa din paano ito masusulusyunan, maaring kasama dito ang saayos paano gumagana ang merit.