Malamang kagaya din yan ng sa binance na kung nakapagdownload kana nung apps dati pa ay mabubuksan mo parin naman kaya lang hindi na ito maaaupdate for sure na pwedeng maging reason na hindi narin magiging safe pa sa kalaunan sa aking palagay. Sa mga nangyayari ngayon ay wala talagang ginagawa maayos ang gobyerno natin ngayon.
Tama at yung iba pa na na-tag na unregistered sa SEC kasama na ang Binance at Bybit.
Kaya magandang ilipat nalang siguro sa mga dex platform na mapagkatiwalaan ang ating mga assets kesa sa mga kilalang top crypto exchange na itago natin ito, dahil sa ganitong mga pangyayari na ginagawa ng ating gobyerno, ang problema lang nito ay wala namang mga dex platform na walang p2p, magkaroon naman kaya ng pagkakataon na itong mga dex platform tungkol sa p2p features?
Yan talaga ang tanong, anong dex platform ang magandang gamitin ng mga Pilipino. Yung tipong subok na ng mga maraming nating kababayan. Pero alam naman natin na hindi masyadong tinatangkilik ang DEX dahil sa liquidity din at hindi friendly lalo na sa mga baguhan.