Na spotan nitong nakaraan si Devin Vassell na suot suot tong Satoshi Nakamoto na T-shirt.
---
At ito pala ang nakaka halaga ng 40,000 PHP at isang fashion brand na rin pala ngayon si Satoshi.
Willing pa kayong bumili ng ganitong kamahal sa T-shirt at ipalandakan na kayo ay may Bitcoin or at least alam kung sino si Satoshi?
---
Para sa kin, hindi, mas maganda pa sigurong invest ang pera na yan sa Bitcoin, unless fashionista kayo o gusto nyo na "$5 dollar wrench attack" dito sa Pilipinas.
Kung nasa US ako at isa akong basketball player, bibili ako dahil una afford kong bumili, pangalawa, pwede akong mag-hire ng security para sa akin at pang-huli, di mas hamak na mas okay ang seguridad sa US kaysa sa bansa natin at alam natin yan.

Kung dito sa Pilipinas, hindi ako bibili niyan kahit fashionista ako dahil nga una sa napakasamang security ng bansa natin. Kung nakatira ka siguro sa probinsya then pwede pero pag sa siyudad, mahirap yan. Hanggat maaari kasi sa akin eh ayokong malaman ng mga tao na into crypto ako dahil apektado ako at ang seguridad ng buhay ko habang dumarami ang taong nakakaalam na nasa crypto ako. Saka isa pa eh hindi pa ako successful sa crypto kaya wala akong rason para ipangalandakan ito sa publiko.
