Ilan lang to sa pagpapatunay na hindi madali sabihin na dapat self-custody tayo. May nakadikit dito na malaking responsibilidad at ito lamang ay paalala sa lahat sa atin lalo na yung maraming crypto dito na talagang maging maingat at mag back-up ng marami para walang single point-of-failure na mangyayari sa atin sa hinaharap.
Totoo ito kabayan, need talaga magbackup lahat ng mga keys or private key. Actually iniisip ko nga na mag palaminate ng mga pass key and seed phrase yung mga naka hand written copy kaso nakakatakot naman baka mamaya di mo alam kung yung naglalaminate eh famoliar pala sa crypto at may idea siya na ying pinapalaminate mo eh yung importanteng keys. Syempre kasi maganda din kung hindi lang basta sa paper para may protection din yun like sa basa, sunog or ano pa man na incident.
Mahirap din mag tiwala kabayan, laganap na ang Bitcoin sa ating bansa, baka hindi natin kilala ang nakaharap natin at alam nya ang seed phrase na yan at para saan yan. Wala rin pinagka-iba kung magpapagawa ka ng pc mo o laptop mo, alisin mo rin ang mga wallet mo at delikado. Yung iba nga na nag rerepair eh diba kinakalkal ang iyong laptop tapos naghahanap ng mga image na malalawasya.
At kung meron ka at sikat ka pa, ikakalat ito o kaya hingi ng pera as ransom. DIY na lang tayo siguro tayo at talagang mag back up ng marami at talagang pag isipan natin kung saan ito itatago na walang makakaalam maliban sa ikaw lamang.