Ito ang isang pangsasalin lamang:
Orihginal na topic: [HOW-TO] Import privkeys into a Bitcoin Core descriptor walletAuthor profile link: Forsyth Jones
Simula noong bitcoin core v21 ang istruktura para sa paggawa ng pampublikong address ay nagbago mula sa output descriptors at sa RPC commands para sa pag import ng private keys katulad ng importprivkey o importwallet ay niluma na kung ay nasa descriptive wallet (hindi lang legacy wallets ang sinusuportahan ng utos na to).
Ang Bitcoin Core ay gumagawa ng BIP32 deterministic wallets sa Derivation Path: (m/0'/0') para sa tatlong uri ng scripts: legacy (pkh), p2sh-segwit (sh(wpkh)) at bech32 (wpkh). Sa madaling salita, hindi sila gumagamit ng standard paths: (m/44'/0'/0'/0), (m/49'/0'/0'/0), (m/84'/0'/0' /0)...
Sa madaling salita, ang bagong gawa na receiving address sa Bitcoin Core na legacy wallets, anuman ang address na binigay, ang 3 uri ng addresses ay tumutukoy sa parehong private key at public key ay pwedeng gumawa ng lahat ng uri ng addresses, halimbawa ay nasa baba:


Bago tayo magpatuloy: pwede kang mag import ng private keys sa 2 paraan:
Kung gusto mong i-import ang lahat ng scripts na kabilang sa key na to (p2pkh, p2wpkh-p2sh at p2wpkh), gagamit tayo ng "combo" command
Kapag may balanse sa isa sa mga scripts gagamit tayo ng legacy (pkh), p2sh-segwit (sh(wpkh)), bech32 (wpkh) at taproot (tr).
Sa simula, gamitin natin ang 'combo' command bilang halimbawa.
Habang tumatakbo ang Bitcoin Core, buksan ang console ang sundan ang mga hakbang na to:
1. Sa console, ilagay ang iyong password (kung password protected)
walletpassphrase "your_strong_passwd" 600
Ang numerong 600 ay kapantay ng segundo na unlocked ang iyong wallet, pwede syang maging kahit anong numero, halimbawa 1 minuto (60) at iba pa. Pagkatapos mong ma import and iyong privkeys (o pag hawak ng mga sensitibong datos galing o papunta sa wallet), i-type ang 'walletlock' sa console para ma lock ang wallet.
2. Una tapos mong i-type ang "getdescriptorinfo" kasunod ng uri ng script (address) na gusto mong i-import katulad ng "combo" para mag import ng combo ng 3 addresses na isahan na tumutugma sa parehong private key, ang command na to ang kinakailangan para makuha ang checksum, halimbawa sa baba:
getdescriptorinfo "combo(L4Mt9ChtjGHfDT99vWzQ12wMeix2EGa4aY4r8f4tC7Ggov3325nD)"

And impormasyon na kailangan natin ay: "checksum": "59sqdw96"
3. I-type: importdescriptors '[{"desc":"combo(Your_WIF-Key_here)#Checksum","timestamp":"now"}]'
importdescriptors '[{"desc":"combo(L4Mt9ChtjGHfDT99vWzQ12wMeix2EGa4aY4r8f4tC7Ggov3325nD)#59sqdw96","timestamp":"now"}]'
Karagdagan: opsyonal, pwede kang mag add ng label sa address na i-import, katulad ng "paperwallet". Pwede kang magdagdag ng label pagkatapos o sa oras ng import.
importdescriptors '[{"desc":"combo(L4Mt9ChtjGHfDT99vWzQ12wMeix2EGa4aY4r8f4tC7Ggov3325nD)#59sqdw96","timestamp":"now","label":"paperwallet"}]'Pagkatapos nito, sa Receiving Addresses Tab, makikita mo ang iyong na import na addresses kasama ang kanilang pares:

Pagkatapos nito, kapag ang key ay natanggap na may balanse dati, kailangan mong ibigay ang command na rescanblockhain + the block number na kung saan ang transaksyon ay na validate + block number sa Bitcoin Core para tumigil ito sa pag scan. Halimbawa, kung ako ay nakatanggap ng transaksyon para sa mga imported address, at ang transaksyon ay na validate sa block 555555, ibigay lang ang rescanblockchain na command at ilang random block number para tumigil sa pag scan (kung hindi ang core ay mag scan hanggang sa current number of blocks sa iyong blockchain),
halimbawa sa baba:
rescanblockchain 555555 555558
Sa oras na to, kung ang transaksyon ay kasama sa isa sa mga blocks na iyong tinakda sa pagbibigay ng command sa taas, ang balanse ay dapat na udpate sa iyong wallet pagkatapos ang scanning.
Kung meron kang balanse sa legacy addresses, segwit address, etc. Pagkatapos ng command, makikita mo ang balanse sa lahat ng address script para sa bago mong na import na private key.
Kung hindi mo pa nagagawa ito, i-type: "walletlock" sa console para ma lock ang address na to, pindutin ang CTRL + L o i-click the X sa taas na kanan bahagi ng console window para mabura ang mga sensitibong data na pinasok sa console.