Peanutswar (OP)
Legendary

Activity: 2338
Merit: 2030
Alliance Of Bitcointalk Translator | ENG to FIL
|
 |
April 15, 2026, 08:14:18 AM Last edit: April 17, 2026, 01:24:20 AM by Peanutswar |
|
Orihinal na akda ni: fillipponeOrihinal na paksa: 5 Resources to teach Average Joe about Bitcoin
Madalas kong nakikita sa sarili ko kung gaano kahirap sagutin ang tanong na ito: "Narinig ko ang tungkol sa Bitcoin na ito. Paano ako makakabili nito?" Sa totoo lang, hindi ako mahilig sumugal sa mga bagay-bagay, at pagbili ng bitcoin na wala man lang kaalaman patungkol dito, tulad lang ito ng ibang mga "investment na hindi kailangan ng kaalaman" ay isang daan para maubos ang inyong pera. Kaya gusto ko malaman ng nanay ko/isang normal na mamamayan patungkol sa mababang pag-unawa patungkol sa Bitcoin, bago nila maisipan bumili ng ilan nito. Ang problema ay dahil mahirap ipaliwanag ang Bitcoin; ang Bitcoin ay isang crossroad ng cryptography, Economic and Monetary Theory, Game Theory, Computer Networking, at data transmission. Pagkakaroon lamang ng kaalaman sa mga ito ay hindi lang mahirap, kundi kailangan mo din ng sarili mong eksplinasyon, at maari nitong masira ang proseso.(Kung maalam lang ako sa Cryptography, Pag iigtingin ko ang aspektong ito, pero hindi naman ito garantisado na maaaring mapukaw ang aking kausap). Kaya ngayon gusto kong ibigay ang koleksiyon ng limang resources (articles, videos, Twitter account, portals, at iba pa) para sa aking mga potensiyal na investors. Ito ang listahan.: Ang naisip ko ay patuloy na mag bigay ng mga bagong materyales na mula sa online na o di kaya ay maaring galing sa inyong mga suhisyon: - Lopp.net Bitcoin Information & Resources
Isang koleksiyon ng mga resources patungkol sa Bitcoin, mula a pagbabasa (white Paper) hanggang sa pinaka malalim at teknikal na ito, parehas na mga artikuko at bidyo/animasyon mula sa Jameson Loop, Professional Cypherpunk (pag tuunan na ito ay Cypherpunk, at hindi Cyberpunk)
- Bitcoin para sa mga Bago
Isang listahan ng bidyo patungkol mula sa Andreas Antonopoulos, tumatalakay sa iba't ibang aspeto ng Bitcoin, kung ano ito, paano bumili, saan at paano itago ito...
- Modeling Bitcoin's Value with Scarcity
Isang madali, simple at magandang modelo para pahalagahan ang Bitcoin. Hindi ito payong pinansyal.
- The Bitcoin Standard: The Decentralized Alternative to Central Banking
Napakaganda nito basahin, dahil ito ay hindi teknikal at hindi direktang patungkol sa Bitcoin: Kung kayo ay nahulog na sa Bitcoin pag ka tapos ninyo basahin ito, mga hindi na nga talaga
Habang ang Bitcoin ay isang makabagong inobasyon pagdating sa digital na panahon, ang problema pa rin na sinusubukang lutasin ay kasing tanda ng lipunan: paglilipat ng halaga sa iba't ibang panahon at oras. Dinadala ni Ammouse ang mga mambabasa patungo sa landas ng kasaysayan ng teknolohiya sa paggamit ng pera, mula sa primitibong sistema ng pagpapalitan ng mga limestone at seashell hanggang sa metal, barya, pamantayan sa ginto, at mga modernong utang ng gobyerno. Ipinapaliwanag dito ang ibinigay ng teknolohiya para sa pagkakaroon ng halaga nito, kung paano ito naubos, at binibigyan ng ideya ang mga mambabasa kung gaano kagandaha ang paggamit ng pera at ilang mga hakbang na diskusyon sa ekonomiya at mga maaaring kahinatnan nito sa ekonomiya, panghinaharap ng lipunan, pagkakaroon ng kapital, pakikipagkalakalan, kapayapaan, kultura at sining. Nais ipakita ni Ammous na hindi ito nagkataon lamang na ito ang pinaka magandang nagawa ng sangkatauhan at ikinatuwa nila sa pag gamit nito at hindi din ito nagkataon lang na isa ito sa maging dahilan sa pag bagsak na ekonomiya
- BitcoinTalk.org Forum
Ito ay isa lamang maliit na detalye na maaari ninyong magamit, pero kung tingin nyo at nasuri na ninyo ang iba pang 4 na resources maaari na kayong tumungo sa Rabbit Hole [BABALA! MATAGAL NA ORAS].
Ito ang ilang sa mga koleksiyon mula sa ibang mga resources, ito ay halo-halo na, mula sa mga mungkahi mula sa mga kumento sa ibaba: - Bitcoin para sa baguhan
- Bitcoin and Blockchain Technology: Economics and Environmental Sustainability
Isang Bidyo ni F.Ametrano, na ipinapaliwanag kung bakit ang Bitcoin ay isang digital Gold.
- The Internet of Money
Isang koleksiyong pahayag ni Andreas Antonopoulos
- The Bullish Case for Bitcoin
Mula sa Bitcoin Twitter account ipinaliwanag dito:
Ang kahalagahan ng teksto para sa mga baguhan paano maunawaan bakit ang Bitcoin ay mahalaga ginawa ito ni @real_vija
- Binance Academy
Isang koleksyon na bidyo na may paliwanag at artikulo pa para sa mga baguhan upang lubos na maunahan ang konsepto ng cryptocurrency at trading.
- Bitcoin for safety
Isang maganda basahin kung bakit mahalaga ang Bitcoin sa oras ng negatibong interest rates, QE, at bubble ng lahat.
- Dear Family, Dear Friends, A letter to all of you who still have no bitcoin.
Isinulat ko itong liham na ito dahil gusto ko ihikayat kayo sa dalawang bagay: (1) sa ating napapanahong pera at sira ang sistema; (2) maging mahusay sa paggamit ng pera para sa pangsarili — sa lipunan — sa pangmatagalan.
- The Dos and Don'ts of Bitcoin Key Management
Ang Bitcoin ay nagbigay ng isang mataas na antas ng kasarinlan sa paggamit ng kanilang pera. Maaaring narinig na ninyo ang kasabihang "Maging sarili mong bako" kung saan ipinapakita ang kagandahan ng paggamit ng Bitcoin. Sa kabilang banda, dahil ikaw ang mismong bangko, may marami kang responsibilidad. Isang katangian ng Bitcoin na kung bakit ito naging mahalaga (permissionless, censorship-resistant, seizure-resistant, at iba pa) ay maaaring maakit ang mga malisyosong aktor. Ang mga malisyosong aktor ay kayang maglatag ng iba't ibang paraan para maloko ang mga Bitcoin user at makuha ang kanilang pera. Isa sa mga dahilan kung bakit kailangan mong maging ligtas ang iyong Bitcoin. Ang internet ay delikadong lugar, pero may mga gamit tayo para protektahan ang ating mga sarili!
- Why you might want to own some bitcoin (and how to do it responsibly)t
Ang post na ito ay ang maaring maging gabay para matutunan nila ang nais kong daan para sa mga kaibigan at pamilya kong bago lang sa Bitcoin. Kailangan lang panoodin ang maikling bidyo na ito, bago bumili ng ilang satoshi (pinaka maliit na unit ng bitcoin). Sa sunod ay matutunan na ninyo ang iba pang bahagi ng Bitcoin, na maaring pumukas ng interes ninyo mula sa listahan ng pananalistik. At sa dulo, maiintidihan na na ninyo ang dahilan ng pagkakaroon ng isang bitcoin, at dagdag pa dito paano bumili ng marami at iimbak ito ng ligtas.
Para sa karagdagang mga artikulo na maaring makatulong para sa mga bago sa Bitcoin ay maari ninyong bisitahin ang mga ito bilang panimula - Ano nga ba ang Cryptocurrency?
Ipinapaliwanag lang dito kung ano nga ba ang cryptocurrency, paano sya gamitin at bakit mainam sya gamitin dahil bilang isang desentralisado.
- Cryptocurrency for Accounting
Ipinapakita lang dito kung ano nga ba ang isang cryptocurrency at kinukumpara ito sa cash o pera na mayroon tayo kasama na din dito ang katangian nito bilang isang intangible asset dahil wala nga itong pisikal na anyo ay maari mo itong ilagay sa iyong birtuwal ding inbentaryo o sa tinatawag natin na mga cold or hot wallets.
- Ano ang Bitcoin
Ipinaliwanag dito paano gamitin ang bitcoin kumpara sa pang kariniwang transaksiyon, kasama din dito kung saan ito nag mula tulad kung sino ba ang gumawa ng bitcoin na si Satoshi Nakamoto at kung paano gumagana ang bitcoin at blockchain, at nag bigay din sila ng bahagi kung ano ba ang nangyayari sa Bitcoin halving, at ang pag gamit ng node, forks at pag mina ng bitcoin.
- Kung Paano ang Tamang Pag-Invest sa Bitcoin
Nag bigay lang sila ng mga ilang kailangan mo tulad ng DYOR, pag sali sa mga groups para sa hype and invites, at kabuuang risk ng crypto kung bakit madali kumite at madali ding naubos ang pera.
- Bumili ng Red Horse sa Boracay gamit ang LN at Bitcoin payment implementing at the Bitcoin Island(BORACAY)
|