Mga Kabayan, madaming nascam sa crypto before at ngayon, karamihan sa kanila ay nagpapaloko sa mga sumusunod:
- Investment na malaki ang returns
- Token na mag-ala bitcoin daw ang presyo
- Mga nameet online at naging magjowa or sabi ng iba love scheme
- Email about sa bitcoin at kailangang magpadala ka ng deposit
- Fake email at Malware na magnanakaw ng information sa computer/laptop/mobile devices
Ang mga ito ay karaniwang nangyayare sa ibat ibang parte ng mundo, dapat huwag tayong mahulog sa kanitong klase ng pangyayare.
Anu pa sa inyong palagay ang mga bagay na maaring magresulta sa pagkalugi or pagkawala ng ating mga digital assets? karaniwan mga biktima ng mga iyan ay mga baguhan sa digital currency.
Hindi lang dapat ang mga scams ang dapat iwasan sa crypto, dapat din nating isaalang-alang ang security ng ating sarili at pamilya, kaya dapat iwasan natin ang magflex o magbrag ng ating mga crypto holdings. Dapat din nating iwasan ang pagigiging careless at dapat lagi nating idouble, triple or quadrouple check ang mga address na pinapadalhan natin.
Iwasan din natin na kumopya ng address sa transaction history natin baka maging biktima tayo ng dust attack. Kaya ugaliin na verified ang mga kinacopy paste natin na address at galing mismo dun sa papadalhan ng transaction.