May Akda:
1miauOrihinal na Akda sa English:
Campaign to improve posting quality for local boards
Siguro masasabi natin ang ang lokal na komunidad natin ay hindi kasing laki ng ibang lokal na boards. Pero masaya parin ako na meron tayong komunidad dito sa Bitcointalk. Ngunit hindi naging madali dahil sa mga matatagal na dito, maraming naging problema ang lokal natin. Hindi ko na iisa-isahin to. Lahat naman ay nandito kung babalikan lang natin ang mga post dito.
At isa narin kaya tayo nandito ay dahil may mga signature campaigns. Kaya dapat hindi natin pinababayaan ang kalidad ng ating mga post para makasali tayo o dun sa mga may campaign na manatili silang kasali dito.
Importanteng Impormasyon:Kaya dapat ang ating mga post ay:- Makatotohanan, nagbibigay-kaalaman, at masusing pinag-aralang nilalaman. Kung tayo ay gagawa ng isang thread, dapat magsaliksik tayo ng mabuti at intindihin ito para ang mga babasa naman ay makakakuha ng aral.
- Maayos na naka-format na nilalaman na nagpapataas ng kakayahang mabasa. Maganda siguro kung lalagyan natin ng mga infographics, o gawing mga listahan para maganda ito tingnan habang binabasa.
- Pwede nyo rin suriin ito: Mga Baguhan – Basahin muna bago mag-post
Mga dapat iwasan:- Yung tinatawag na pyramiding quotes - pwede naman nating i-edit yung quotes na gusto nating replayan para hindi pangit tingnan dahil napakahaba na. Pwede rin basahin ang tungkol dito, [TIPS] to avoid pyramid quotes (for Newbies).
- Mag post ng walang kabuhuhan o yung tinatawag na "shit posting" - wag lang basta makapag post. Dapat ito ay may nilalaman at makakatulong sa nag-tanong.
- Wag magmura o mang lait ng kapwa dahil lamang sa kanyang kulay, lahi, relihiyon at katangian sa buhay.
- Wag magbiro na masama sa kahit sino man
- Wag mangopya o yung tinatawag na plagiarism
Bakit napakahalaga na pagandahin ang kalidad ng ating post?Dahil ang Bitcointalk ang numero unong komunidad pag-dating sa cryptocurrency. Wala ka nang makikitang sa labas. Ibig sabihin nito, na ang mga posts dapat ay may kalidad at konstruktibo, nagbibigay ng mga tamang impormasyon sa mga mambabasa lalo na dito sa Pilipinas board. Hindi natin gusto na makita ang mga posts na spam, na walang nilalaman. At isa rin sa mga dahilan ay maraming mga bago tayong mga miyembro na dumadating dito sa lokal kaya dapat ay makita nila na marami silang mapupulot na aral at matuto rin at para rin magtagal sila dito.
TaglishAng English ay kinokonsidera na pangalang wika natin. At ginagamit ito mula sa edukasyon hanggang sa negosyo, batas, at gobyerno. Kaya karamihan sa atin dito ay bilingual. Kaya paminsan minsan ay pwede natin itong gamitin sa ating lokal board at may mga salitang English naman talaga na minsan ay walang salin sa salitang Filipino o Tagalog.
Source