Bitcoin Forum
May 14, 2026, 02:57:00 PM *
News: Latest Bitcoin Core release: 31.0 [Torrent]
 
   Home   Help Search Login Register More  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Ano ang Proof-of-Work  (Read 17 times)
SatsPH (OP)
Member
**
Offline

Activity: 79
Merit: 30

For JM


View Profile
Today at 03:52:48 AM
Merited by cryptoaddictchie (1), fullfitlarry (1), coinrifft (1)
 #1

1. ⛏️ Ano ang Proof-of-Work?

Marahil madalas natin marinig ang salitang ito, na pag sinalin mo sa Tagalog ay "Katibayan-ng-Paggawa". At masasabi natin na kakaiba talaga ang ginamit ni Satoshi na teknolohiya. At ito ay nagsilbing pundasyon at seguridad at decentralisasyon ng Bitcoin Network. At ayon na rin sa Whitepaper, upang mabuo ang isang distributed timestamp server, kinakailangan ng "proof-of-work" system na katulad sa Hashcash ni Adam Back. Ngunit imbis na umasa sa isang central authority, ang ginamit ng Bitcoin ang "proof-of-work" upang mapatunayan na may "ginawang trabaho" bago magdagdag sa isang bagong blockchain.

At dito pumapasok ang mga "miners" na tinatawag. Ang proseso na to ay mahirap, at kinakailan ng mga machine na malalakas na computer para i-solve ang complex mathematical problem, ang paghahanap ng nonce. At ang unang miner na maka solve ay ang magdadagdag ng bagong block sa blockchain at sila ay mababayaran sa pamamagitan ng transaction fees.

2. 🛡️ Bakit ba mahalaga ito?

Pino-protektahan nito ang Bitcoin laban sa double spending. Sinisigurado ng proof-of-work na hindi pwedeng dalawang beses gastusin ang Bitcoin. Meron din tinatawag na "One-CPU-One-Vote". Ito naman ay nakalagay sa Whitepaper, tumutukoy na ang kapangyarihan sa Bitcoin network ay dapat nakabase sa computational power o lakas ng pagmimina, at hindi sa dami ng tao, kayamanan, o authority.

3. ⚠️ Ano ang 51% Attack?

Ito naman ang sinasabing paraan ng pag-atake sa Bitcoin ng isang entity o grupo para ma kontrol nila ang ang network ng Bitcoin. Kapag nangyari naman ito, lalabagin nito ang  "one-CPU-one-vote". At kung titingnan mo sa kasalukuyan, 500 exahashes per second (EH/s) ang hashrate natin. Ang halaga ng kuryente at hardware para makontrol ang 51% nito ay tinatayang mahigit $10 bilyon.

  • ❌ HINDI kayang nakawin ng attacker ang Bitcoin ng ibang tao.
  • ❌ HINDI kayang baguhin ng attacker ang 21 million supply limit ng Bitcoin.

4.🚫 Mga Kritisismo sa Proof-of-Work

Mga ilang puna at kritisismo lalo na ang tungkol sa kuryente at enerhiyang kailangan sa pag mimina gamit ang konseptong ito.

  • Mataas na Konsumo ng Kuryente - ang pagmimina ay hindi kaila na malaking enerhiya ang kailangan
  • 🌍 Epekto sa Kalikasan - Dahil sa malaking paggamit ng kuryente, maraming kritiko ang sinasabing na nakakadagdag ito sa carbon emissions at climate change lalo na kung hindi maganda ang pinagkukunan ng enerhiya.
  • 💰 Mahal na Mining Equipment - Bawat taon ay kailangan mag-upgrade ng hardware tulad ng ASIC miners upang maging competitive sa pagmimina
  • 🏭 Pagkakaroon ng Mining Centralization - Habang lumalaki ang industriya ng pagmimina, maraming bigating kumpanya at mining pools ang sumasali at sila ang nakakakontrol sa malaking bahagi ng hash power ng network.
  • 🐢 Mabagal na Transaksyon - Hindi instant ang payment. May panahon na lumaki ang bayad nag pag lipat at pag send ng Bitcoin at may limitasyon ang dami ng transaksyon na kayang iproseso ng Bitcoin network.

5. 🔄 Ang sagot naman ng Bitcoin community

  • 🔥 Ayon sa isang pag-aaral ng Cambridge Bitcoin Electricity Consumption Index, ang kabuuang konsumo ng kuryente ng Bitcoin ay mas mababa kaysa sa mga traditional banking system at gold mining industry.
  • ♻️ Maraming mining operations ang lumilipat sa renewable energy dahil mas mura ang kuryente.

6. 💀 Paano kung walang Proof-of-Work

Kung hindi ito ginamit ni Satoshi, malamang ordinaryo lamang ang Blockchain na kayang atakihin at kontrolin ng sino mang entity. Magiging "trust us" ang network. Ang consensus ay magiging base lamang sa administrative mandate. Kaya talagang masasabi natin si Satoshi ay pinag-isipan itong konsepto na ito. At magkakaroon ng double spending. Ang blockchain ay magiging mas mabagal, mahal at hindi pa ito secure. Kaya ang desisyon ni Satoshi na gamitin ang PoW ay hindi lamang teknikal na aspeto, kundi isang pilosopikal na pahayag na ang tiwala ay hindi dapat ilagay sa mga iilang tao o institusyon, bagkus sa matematika.





Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.19 | SMF © 2006-2009, Simple Machines Valid XHTML 1.0! Valid CSS!