Meron na naman daw alleged hack na kasama ang:
• DPWH
• NIA
• MMDA
• DOH
Kaya kawawa na naman tayong mga Pinoy na kasama sa mga data set na na-hack.
Oh well, what else is new? If I remember correctly, dati, ibinenta din ang data ng mga PhilHealth members nung kilalang hacker group, 2023 yata 'yun. What's worse is ang pinaka 'cause nito, expired anti-virus software. LOL
[
Source].
Base sa tweet, it is shared publicly at hindi ipinagbibili. Ano kaya ang intention ng mga nang-hack kung hindi naman profit? Malamang, para ipahiya ang kahinaan ng IT security department ng mga agency na ito.
Bored 'lang daw 'yung hacker kaya niya ibinigay ng libre.

Mukhang may mga masasabon na mga empleyado ng mga ahensiyang ito ng kani-kanilang mga boss because of this massive data leak.

Isa din 'to sa concern ko regarding eGovPH app eh. Napakaraming data from various agencies ng Pinas ang konektado dito, all going through one app. Lagot kapag na breach, baka damay-damay na lahat.
