Kaya ending, konting surge lang ng traffic katulad nung nangyari sa eGov app nung nakaraan, down agad ang system. Ang reason? Wala raw pondo/tinigil yung budget.
Pinatawag sa senate, wala din naman nangyari, puro rason 'lang pinamigay.

"ran out of funds to pay for cloud hosting subscriptions" daw? WTF. Ang tagal binuo ng app na 'yan tapos hindi pinag-laanan ng budget 'yung cloud hosting?
Minsan talaga imbes na magalit ka sa mga nababasa mong balita, matatawa ka na 'lang. Na para bang nagbubulag-bulagan na lang lahat ng mga nakaupo sa gobyerno ngayon to the point that we, the citizens, are numb to their failures. Juice colored.

Naaalala ko recently, pumipila ako para sa renewal ng mga govt ID ko, yung on-screen ticketing system nila ineedit lang yung number dun sa kung sino na tatawagin sa excel. Sino ba namang di magdududa sa capacity ng govt natin mag-ayos ng mga ganyang bagay diba?
LMAO. May nakita din akong similar post about that sa social media at ang mas nakaka-irita pa, in other government agencies, naka-aircon pa ang mga yan sa loob na kani-kanilang mga opisina, meanwhile, 'yung mga taxpayers, nasa labas, electric fan + just for laughs videos na paulit-ulit nirereplay sa monitor. Tapos madalas, suplado pa mga yan.
