Mukhang gumawa na ng magandang hakbang Binance sa pagkakataon na ito, dahil sa pamamagitan ng pakikipagpartnership nito sa Blockshoals Partnership, ito na nga kaya talaga ang magandang simula o pagbabalik ng Binance dito sa bansa natin?
Madami na naman sa mga kababayan natin ang matutuwa sa balitang ito dahil alam naman ng karamihan na ang majority na mga crypto community dito sa ating bansa ay mga binance users talaga at kung anuman itong ginawa nila ay siguradong susuportahan ito ng nakakarami.
Yung iba natutuwa yung iba hindi. May lumalabas din pala na news or rumors na yung blockshoals ay affiliated or possible daw na company ni Martin Romualdez at yung owner neto ay isang dummy or front lang.
If ever totoo ito mas nakakatakot yung partnership na yan nila since alam naman natin si Martin ay isa sa mga potential na may kaso about flood control. But if not true this move from Binance is good one.