Magandang araw sa lahat po ng mga kababayan ko dito, nung napanuod ko ang video na ito tungkol sa mga traders na makikita ninyo sa video ay masasabi ko na kahit papaano ay masasabi nating may matinding karanasan na talaga sa Trading ang mga influencers na ito o content creators. mga nakaranas na ng malalaking kita itong mga yan pero nakaranas din ng malaking losses, at yung iba ay makikitaan natin ng greed din sa reaction nila habang nagtetrade ng live.
Lalo na yung sa isang live interview kay Pawel na kung saan ang tindi, nagsalita lang ng tungkol sa upside price ni bitcoin parang 2seconds lang nagkaroon na agad yung trader ng profit na nasa mahigit 500$ tapos kaya lang hindi siya nakapagTP agad, nagsalita lang ng downside 2 to 3seconds lang din ay biglang nagdump yung price ni bitcoin natalo pa ng 600$ mahigit yung traders, tapos yung huling traders na pinakita naman na babae korean yata yun makikita mo na masyadong naging emotional ito sa huli dahil natalo pa siya sa halip na panalo na dapat siya ng nasa 950$ dapat ay natalo pa sya ng 500$, kung mapapansin natin naging greedy din yung babae, at the same time nagpanic din siya. Okay na sana nung una sobrang saya nya pero hindi naman siya nagclose agad para sa TP.
source:
https://www.youtube.com/watch?v=i6UxBXO3p2o ANO YUNG LESSON DITO? 1. Matutong kontrolin ang ating mga sarili sa sitwasyon na ganito, at sanayin natin ang ating sarili na gumamit ng TP AT SL.
2. Maging Disipilinado tayo bilang mga traders
3. Hindi dapat magpanic
4. Huwag maging GREEDY
Tama walang magaling or hindi sa trading minsan may swerte din na kasama, kahit newbie kalang, papaldo ka ng hindi inaasahan, sa mga bihasa naman minsan sa pagiging kapampante sumasablay at natatalo tayo, so anung ibig sabihin, ang marjet ay unforgiving kaya matuto tayong maging maingat, tulad ng sabi din ni OP wag maging greedy, isa ito minsan sa nagpapabagsak sa kahit sino mang experience trader, ang pagiging ganid sa pera, marami na at sapat gusto padin, okay lang naman pero dapat matutong magcontrol ng sarili din saad din ito ni op,