At nasa taas ang pang hahambing ng dalawa at kung ano at binago at pinalitan ni Satoshi bago ito naging Bitcoin: A Peer-to-Peer Electronic Cash System.
Sa palagay nyo, kung hindi "Bitcoin" ang naging pamagat, magiging kasing sikat kaya ito?
O siyang tatanggapin parin mga early investors or developers dahil ito ay prime mover?
ang core innovation mismo ang nagdala ng success ni Bitcoin, hindi lang ang title

mas direktang-at-point at mas angkop ang pamagat na ito noong panahong iyon. Kasi nung mga oras na yun, itinuturing ng mga bangko at gobyerno na ilegal ang anumang bagay na ginagamit laban sa fiat o perang papel, talagang kontra sila rito
kung mas matapang o mas striktong pamagat ang ginamit ni Satoshi, siguradong mas maagang mapapansin ito ng mga maruruming regulator, finance minister, at mga institusyong pinansyal sa buong mundo noong maagang yugto ng 2008-2009, at mas maaga nila itong mai-cracrackdown. Isinulat ang white paper sa isang paraan na ganap na neutral, kaya nagkaroon ito ng malaking pagkakataon na tahimik na kumalat sa mga technical na tao nang walang anumang ingay. Dahil dito, nagawa nitong mag-ugat nang malalim at maging matatag bago pa man ito mapansin ng gobyerno
