RBF vs CPFP: Dalawang Paraan Para Pabilisin ang Na-stuck na Bitcoin Transaksyon
Image generated by AI
Talaan
I. PanimulaSa aking pagsasaliksik, dumating ang oras na talagang ang hirap ma confirm ang transaksyon dahil sa mahal ng fee. At kung hindi mo na adjust ito, maaring ma stuck ang iyong transaksyon ng oras o kaya araw.
At lalo na nung kasagsagan ng Ordinals,
Bagama't magkaiba ang kaso ng dalawa, ngunit maari paring makatulong sa ganitong sitwasyon ang
Replace-by-Fee (RBF) at
Child Pays for Parent (CPFP).
Isa sa mga karaniwang problema ng mga gumagamit ng Bitcoin ay ang pagkakaroon ng transaksyon na matagal ma-confirm. Minsan ay inaabot ito ng ilang oras o kahit ilang araw bago maisama sa isang block. Kadalasan, nangyayari ito kapag masyadong mababa ang transaksyon fee kumpara sa kasalukuyang demand sa network. Sa kabutihang-palad, may dalawang mekanismo ang Bitcoin na makakatulong sa ganitong sitwasyon:
Replace-by-Fee (RBF) at
Child Pays for Parent (CPFP). Datapwat pareho silang ginagamit upang mapabilis ang kumpirmasyon ng mga transaksyon, magkaiba ang paraan ng kanilang paggana at may kanya-kanyang sitwasyon kung kailan sila pinakamainam gamitin.
II. Ano ang Replace-by-Fee (RBF)?Ang
Replace-by-Fee (RBF) ay protocol rule ay nagpapahintulot sa nagpadala (sender) na palitan ang kanyang unconfirmed transaksyon ng bago na may mas mataas na fee. At Kapag naka-enable ang RBF sa orihinal na transaksyon, maaaring gumawa ang sender ng panibagong transaksyon gamit ang parehong inputs ngunit may mas mataas na bayad sa miners. Ang mga nodes na sumusuporta sa RBF sa luma ay tatanggihan ito at uunahin ang bago dahil mas malaki ang bayad sa kanila.
Halimbawa, nagpadala ka ng Bitcoin gamit ang fee na 2 sat/vB sa panahon na mataas ang congestion sa network. Dahil mababa ang fee, nanatiling nakabinbin o na stuck ang iyong transaksyon sa mempool. At kung ikaw ay nagmamadali, sa halip na maghintay nang matagal, maaari mong gamitin ang RBF upang taasan ang fee at muling i-broadcast ang transaksyon. Mas malaki ang posibilidad na piliin ito ng mga miners dahil mas mataas ang kikitain nila rito.
Ang pinakamalaking bentahe ng RBF ay kontrolado ito ng sender. Hindi na kailangang umasa sa ibang tao upang mapabilis ang transaksyon. Gayunpaman, may limitasyon ito dahil dapat ay naka-enable ang RBF bago pa man maipadala angtransaksyon. Kung hindi ito naka-set bilang replaceable, hindi magagamit ang feature na ito.
III. Ano ang Child Pays for Parent (CPFP)?Samantala, ang
Child Pays for Parent (CPFP) ay gumagamit ng ibang pamamaraan. Sa halip na palitan ang unang transaksyon, gumagawa ng panibagong transaksyon na gumagastos sa output ng hindi pa nakukumpirmang transaksyon. Ang bagong transaksyon na ito, na tinatawag na "child transaksyon," ay nilalagyan ng mataas na fee.
Kapag nakita ng miners na mas malaki ang kabuuang kikitain nila sa pagsama ng parent at child transaksyon, kadalasan ay pinipili nilang i-confirm pareho sa iisang block. Dahil dito, napapabilis din ang kumpirmasyon ng orihinal na transaksyon.
Isa sa mga pangunahing bentahe ng CPFP ay maaari itong gamitin kahit ng receiver, basta may kontrol siya sa output na natanggap niya. Hindi tulad ng RBF na sender lamang ang maaaring gumamit.
IV. RBF vs CPFP: Alin ang Mas Mainam?Walang iisang sagot kung alin ang mas mahusay dahil nakadepende ito sa sitwasyon.
- RBF kung ikaw ang sender at may kakayahang baguhin ang transaksyon
- CPFP kung hindi available ang RBF o kung ikaw ang receiver na naghihintay ng kumpirmasyon.
- Mas simple at direkta ang RBF.
- Mas flexible ang CPFP dahil maaari itong gamitin kahit hindi naka-enable ang RBF.
Sa maraming pagkakataon, mas pinipili ng mga user ang RBF dahil ito ang mas madaling gamitin. Gayunpaman, mahalagang maunawaan din ang CPFP dahil nagsisilbi itong alternatibong paraan upang maresolba ang mga transaksyon na na-stuck na sa mempool.
V. Mga Wallet na Sumusuporta sa RBF at CPFPHindi lahat ng Bitcoin wallets ay may suporta para sa RBF at CPFP. Ang ilan ay nakatuon lamang sa simpleng pagpapadala at pagtanggap ng Bitcoin, habang ang iba naman ay nagbibigay ng mas advanced na kontrol sa mga transaksyon fees.
Narito ang ilan sa mga kilalang wallets na sumusuporta sa isa o parehong feature:
| Wallet | RBF | CPFP | Mga Tala |
| Electrum | Oo | Oo | May "Increase Fee" function at mahusay para sa advanced users. |
| Sparrow Wallet | Oo | Oo | Madaling gamitin at may kumpletong coin control features. |
| Bitcoin Core | Oo | Oo | Full node wallet na may advanced na transkasyon management. |
| BlueWallet | Oo | Limitado | May fee bumping options para sa ilang on-chain transactions. |
| Blockstream Green | Oo | Depende sa setup | May suporta sa fee bumping at advanced security features. |
Sa mga wallet na ito, ang Electrum at Sparrow Wallet ang kadalasang nirerekomenda ng mga beteranong Bitcoin users dahil sa kanilang kumpletong suporta para sa RBF, CPFP, coin control, at UTXO management. Kung nais mong mas maintindihan kung paano gumagana ang mga transaksyon fees sa Bitcoin, magandang simulang gamitin ang isa sa dalawang wallet na ito.
VI. KonklusyonAng RBF at CPFP ay parehong mahalagang feature ng Bitcoin na tumutulong sa mga user kapag na-stuck ang kanilang mga transaksyon. Ipinapakita ng dalawang mekanismong ito kung gaano ka-flexible ang disenyo ng Bitcoin sa pagresolba ng mga problema sa transaksyon fees at network congestion.
Para sa mga baguhan, mahalagang maunawaan ang pagkakaiba ng RBF at CPFP dahil hindi sapat na alam lamang kung paano magpadala ng Bitcoin. Ang pag-unawa sa mga tool na ito ay makakatulong upang maiwasan ang matagal na paghihintay at magbigay ng mas magandang karanasan sa paggamit ng Bitcoin network.
VII. Sanggunian at Karagdagang Babasahin