Orihinal na akda ni:
1miauOrihinal na akda:
Make sure to avoid wasting BTC for too high fees – step by step guide (Electrum)
Sa bawat transaction sa Bitcoin ay kailangan ng bayad. Ito ay importante dahil kailangang mababa ang patunay hangga't maaari para dumating ang transaksiyon sa papaldahan nila ng naaayon sa oras. Ang bilis ng transaksiyon ay depende sa kung magkano ang binayad dito. Ang fees ay tinatawag na Satoshi per byte (sat / byte). Mas mataas na bayad ng sat / byte, mas mabilis ang transaksiyon na maiilagay ito sa susunod na block. Ang mga miners ang pipili ng transaksiyon depende sa laki ng transaction fee (sat / byte). Ito ay lohikal, dahil ang mga miners ay hindi lang makakatanggap ng block reward kundi pati na rin ang transaction fee sa lahat ng transaksiyon ay kasama sa naminang block.
Hindi lahat ng wallet ay papayagan kang i-adjust ng transaction fee at sa mga maaari ay madalas nilang ginagawa ay ung simpleng default settings (o di kaya ay yung pinaka mahal). Ang isang magandang wallet ay papayagan kang ilagay ng transaction fee tulad ng Electrum.
Pagkatapos mong magpalit ng settings, isa sa pinakamahalaga ay malaman mo ang ideyal na halaga ng transaction fee, kung saan ito makikita sa maaasahan at tumpak na websites. Pero kailangan ay maaari mong palitan ang mga fees.
Para sa gabay na ito, ginagamit ko ito
Electrum at ang
Mempool by Jochen Hoenicke.
Ngayong malapit kana onting hakbang na lang para makatipid ka sa halaga ng Bitcoin:
1. Una, buksan mo ang iyong Electrum. Ngayon, simulan natin maging madaling gamitin ang iyong wallet sa paggamit ng mga shortcut. Ngayon pindutin ang view sa may kaliwang itaas na bahagi at pindutin ang shortcut na gusto mong lumabas, tulad ng sa imahe sa ibaba.
Sa gabay na ito ay pinili ko lahat-lahat.

2. Para sa mga older version ng Electrum, maaari ninyo edit ang fees manwal mula sa Electrum gamit ang tools and preferences sa menu, gayunpaman halos lahat ng bagong version ay hindi na kaya. Para lang mapalitan ninyo ang fees ay kailangan ninyong subukang gumawa ng transaksiyon. Ngayon ang kailangan nyo na lang gawin ay lagyan ang mga detalye tulad ng wallet address at kung magkano bago pindutin ang
pay. At lalabas ang window na ito

3. Ngayon makikita ninyo at maaari kayong mag-ayos ng fee gamit ang slider kung saan hindi sapat. Para ma-edit ang inyong mga fees ay pindutin lang ang icon na nakasaad sa ibabang imahe.

4. Ngayon kung kayo ay tapos na sa step 3, ang maliit na window bar sa ibaba na may tsek ay maaaring pindutin sa setting at lalabas ang mga ito

5. Ngayon, ang kailangan mong gawin ay piliin ang opsiyon na gusto mo sa iyong transaksiyon. Siguraduhing piliin mong mabuti ang
Edit fees manually.

6. Ngayon mapapansin ninyo na may dumagdag na slider at mayroon na tayong dalawang checkbox para magpalit ng fee tulad ng asa imahe sa ibaba. Gamit ang box na may highlighted na green sa ibaba, maaari kang magpalit ng fees gamit ang manwal na pag-type ng gusto mong halaga ng sat/byte. Habang ang isang box na may highlighted in red ay maaari kang mag lagay ng halagang fees na gusto mo ibayad na BTC or mBTC

7. At tapos na, ngayo naman ay kailangan ninyong alamin kung magkano ang kailangan ninyong bayaran sa transaksiyon ninyo. Maaari ninyo malaman ito kung susunod kayo ang mga susunod na hakbang:
May ilang paraan para malaman ang kasalukuyang halaga ng transaction fee ang kailangan.
Ang isa sa mga paraan para tingnan ito ay sa
Mempool Observer Topic at tingnan ang maaaring maging fee gamit ang
FeeBuddy bot.
Ang isa pang magandang paraan para direktang makita ito ay tingnan ito sa Bitcoin Mempool. Ang Mempool ay hindi isang pool na kumukolekta ng mga memes, pero ay nagre-representa ng Bitcoin transaction na hinihintay na lang ma-confirm. Kaya ang isang buong Mempool ay nagkakahulugan na mahal ang pinadalang bayad para ma-proseso ang transaksiyon ng mabilis, dahil maraming transaksiyon ang nakahintay para ma kumpirma at makumpleto para masama ito sa susunod na block (ang mga mataas ang binayad para sa transaksiyon ay ang mga mapipili para mapasama sa susunod na block hanggat ito ay mapuno), habang ang ilan na halos wala pang laman na Mempool ay nag hihintay lang na makuha ang iyong transaksiyong makumpirma dahil sa mababang fee.
Ang isang magandang imahe ng Mempool ay makikita ninyo dito sa page ng Jochen Hoenicke:
https://jochen-hoenicke.de/queue/#0,24h.
Mula sa website ay maaari kayong pumili pumili ng mga oras kung gaano ito katagal na maaari ninyong magamit para i-analisa ang Mempool. Mayroong 3 ibat ibang graph:
- Unconfirmed Transaction Count (Mempool)
- Mga Pending transaction fee sa BTC
- Mempool Size na MB
Para sa konsiderasyon, ang una at huling graph ay angkop, pero ang huling graph ang pinakaepektibo ay may gamit, kung titingnan mismo ang aktuwal na laki ng Mempool in MB. Dahil madalas mangyari ay mayroong malaking transaksiyon (in bytes) ang naghihintay sa Mempool, kung saan nakalista ito sa first graph bilang isang transaksiyon pero kailangan ng malaking laki (dahil mayroon itong maraming input), halimbawa mayroong maraming non-SegWit transactions).
Pero pag katapos nito ay, katulad na ito ng mga ibang graph.
Unconfirmed Transaction Count (Mempool):

Mempool Size na MB:

Kung igagalaw ninyo ang inyong mouse patungo sa graph, maaari ninyo makita ang linya na nagre-representa kung gaano kadaling satoshi per byte (sat / byte). Ito ay nagbibigay sa inyo ng estimasyon kung magkano ang kailangang inyong bayaran para sa inyong transaksiyon. Kailangan nyo rin tingnan ang mga nakaraang itsura nito, gaano kalaki ang MB ng transaksiyon mula sa mga nakaraang oras at madalas bang walang laman ang Mempool. Kaya, mas maiging onting satoshi per byte. Siyempre, depende pa rin ito kung gaano mo mabilis gustong ipadala ang transaksiyon. Kung hindi naman ito agaran, mas maiging maghintay o di kaya ay gumamit ng mababang fee, mas makatotohanan sa mga susunod na oras.
Ang isa sa mga hindi tiyak na variable ay kung saan makikita ang susunod na block. Sa mga iilang kaso, ito ay tumatagal ng halos ilang oras sa pagitan ng dalawang magkasunod na block. Tapos, may maraming transaksiyon ang naiipon na kailangang ilagay sa susunod na block at kailangan ng maraming oras. Karagdagan pa dito, ito ay posibleng maraming transaksiyon ang pumasok sa Mempool bayagya at mayroong mas mataas na fee kaysa sa inyo, Ito ay masasama sa susunod na block kaysa ang sayo. Kaya, mayroon ding panganib ang pagpili ng mababang bayad sa transaksiyon.
Dagdag pa dito, kailangan ninyong tingnan lagi ang volume ng transaksiyon ng mga nakaraang araw. May ilang pangyayari, madalas ay may mga pattern:

- Pag katapos ng mga 08:00 CET, ang dami ng tranksiyon ay tumataas, mga bandang 23:00 ang mga Mempool ay walang madalas na laman (kaya ang mga oras na ito ay mahalaga, minsan maaga o di kaya naman ay mamaya)
- SA pagitan ng 02:00 at 08:00 CET ay ang magandang oras para mag padala ng Bitcoin, kung saan ang Mempool ay madalas walang laman
- Monday ang madalas na pinaka abalang oras
- Tuwing weekend ang Mempool ay madalas walang laman sa buong linggo, kahit na ito ay rush hour
Laging isipin ang mga pattern na ito ay nag papalit kahit anong oras, lalo na sa pag taas ng presyo ng BTC, maraming users ang gumagawa ng transaksiyon, kaya ang fees ay maaari ding tumaas.
At sa pang huli, isang maikling halimbawa
Ngayon ay 01:00 CET dito (gabi) noong ginawa ko ang screenshot, ang kung makikita ninyo ang Mempool sa larawan (daily overview):

Ito naman ay Monday, ang dami ng transaksiyon sa araw na ito ay sobrang taas tulad ng inaasahan. Pero ang Mempool ay madalas walang laman pa din. Maaari nating sabihin na dahil wala itong laman ng mga ilang oras pa ngayong gabi, tulad ng nakaraang linggo at mayroon pa tayong oras ngayong gabi.
Kung titingnan ninyo ang laki ng lahat ng transaksiyon sa Mempool pag ginalaw ninyo ang mouse ninyo sa graph, makikita ninyo sa huling block na hindi pa ito kumpleto (halos 0.55 MB (madalas mahigit 1 MB ang kasya sa isang block)). At sa ngayong punto, pipiliin ko ang 2 satoshi / byte at maaaring ito ay mataas dahil kasama na ito sa susunod na block.
At kung titingnan ninyo ang graph, maaari ninyong makita ang ilang transaksiyon na sobrang taas... Pinadala nila ang transaksiyon nila na mahigit 100 satoshi / byte, kahit na ang fee lamang ay 2 satoshi / byte na sapat lang para makuha sa susunod na block. ^^
