Sa Pilipinas, regulated na ang maraming online casinos. Pero minsan iniisip ko, dahil ba sa regulation na ito, mas naging normal at mas madaling ma-access ang pagsusugal?
Dati kailangan mo pang pumunta sa casino o betting shop. Ngayon, cellphone lang at e-wallet, puwede ka nang magsugal kahit saan at kahit anong oras.
Ang mas nakakalungkot, madalas mahihirap ang mas naaapektuhan. May iba na hindi na nagsusugal para malibang, kundi umaasang baka ito ang sagot sa problema nila sa pera. Pero kadalasan, mas lalo lang silang nababaon.
Kaya ang tanong, pinoprotektahan ba talaga tayo ng regulation, o mas lalo lang nitong pinalaganap ang online casinos sa bansa?
Para sa inyo, nakakatulong ba ang regulated online casinos, o mas pinapahirapan lang nito ang mga taong hirap na nga sa buhay?
Wala naman talaga silang ginawang counter actions para ma lessen ang exposure or di kaya malabanan ang gambling addiction. Dahil ang tanging ginawa nila ay gawing legal at patawan lamang ng tax ang mga online casinos sa bansa natin.
Ginawa lang nila mas lalong accessible ang mga ito, kaya sobrang laganap ng online casinos ngayon sa bansa natin. Makikita natin na kahit simpleng mamamayan ay nagsusugal na at isa itong indikasyon na masama na talaga ang epekto ng online gambling sa mahihirap nating kababayan.
Monopolize ang gambling industry sa bansa natin at tanging yung online casino owners at ganid na pulitiko lang ang nakikinabang dito at walang magandang naiidudulot ito sa mga mahihirap nating kababayan na lulong sa sugal.