Sabi ko na eh. Nung nakita ko na wala ng fee ang BPI eh for sure magagayahan na lahat ng trad bank eh. Kumalat kasi and trending 0 fees na ang BPI then after a while almost lahat na. Pretty sure gagaya din naman ibang bank kasi ang laking hatak nun sa mga tao kung hindi sila gagaya and susunod.
Talagang nakakagana mag transaksyon kung ganyan ang kati din kasi ng mga fees nila na 10 to 15php daily eh pano kung lagi ka gumagamit from banks to other banks diba. Di naman katulad ng mga digital bank na may mga free fees tulad ng maribank at gotyme.
Dapat naman talaga wala nang fee, kasi malaki na kinikita nila once ng deposit ka or nasa bank na nila ang pera, anlaki ng interest na nakukuha nila, ung fee sa transaction sa transfer barya nalang iyan kung susumahin, pero ganun talaga business pero wala na silang choice kasi simula na iyan, mahirapan na silang alisin yan kasi magrereklamo lalo mga tao, sana dina nila baguhin iyan.
Mas maganda madami talaga kumpetensya, ang matibay nalang talaga itong mga local exchange antindi ng kapit parang tuko e ahaha, hindi mapasukan ng mga ibang exchange hehe.