Grabe sobrang kunat talaga ng BDO akala ko hindi na sila magwawaive buti nalang nakisabay din sa trend and naka no transfer fee na rin, last time na nakita ko sa social media parang AUB nalang ata ang may fees ngayon, mukang halos lahat magsusunuran na may nakita na akong date doon sa iba kung kailan nila ilalaunch yung no transfer fees nila tulad nung sa security banks etc. Not sure if anong nangyare pero sa BPI ko unang nakita itong waive ang fees, and isa talaga itong fees sa pinakaayoko sa mga banks kaya meron akong account sa halos lahat ng mga platform kase kunte lang yung ways para makapagsend ka ng free, sa BDO lang talaga kahit yung pesonet dati may fees pa rin.
BANKS FREE GUIDE
Ito yung list na nakita ko sa social media, halos lahat ng banks free na talaga, good thing makakatipid kahit papano.
Magiging wild ito, sino kaya sa kanila ang susuko kasi alam naman natin medyo sugapa sila e sa mga fee's sinu ang unang kukurap sa kanila, tingin ko may iba diyan na di tatagal, pero maari naman silang mawalan ng customer, maganda nato kesa may fee's sayang din iyong mga 10 pesos minsan , maka ilang transaction kapa di magkanu nadin iyon, sana lang tuloy tuloy na ito.
May circular 1238 kasi ang BSP na nagsasabi bawal ata ang overpriced fee's isipin nyo 1.50 pesos lang pala ung fee's magkanu ba ung sinisingil nila before talagang paldo sila 10 pesos 25 pesos at 50 pesos ang fee's depende pa, tapos ang cost lang dapat pala is 1.50 pesos ilang taon nila tayong ginatasan, tapos balak pa sana nila magtaas ulit, pinapahiram na nila pera natin may fee's pa na overprice inadobo ginisa pa tayo matindi talaga.