Hindi ko alam kung nakita nyo na tong video na to, pero masarap balikan ito sa Youtube.

Ito ang "
What is Bitcoin?" na inilabas noong
March 22, 2011 ng
WeUseCoins. Siguro marami sa atin nung panahon na yon na kung napanood ang video na to ay magtatanong talaga kung ano ang Bitcoin, at marahil baka bumili o nag-isip mag mina. Noong inilabas ito ay dalawang taon pa lang ang Bitcoin kaya siguro ito na ang una talagang video na makikita natin sa Youtube.
Ang napakasimple lang ang paliwanag pero nakapaganda dahil sa loob lamang ng 2 minuto ay na breakdown na nito ng husto kung ano ang Bitcoin. Na katulad parin ng konsepto nito hanggang sa ngayon:
- Peer-to-peer na pagpapadala ng pera
- Walang bangko o middleman
- Mababang transaction fees
- Bukas sa kahit sinong may internet
- Pagmimina (mining) bilang paraan ng paglikha ng bagong bitcoin
Ngayon, makalipas ang mahigit isang dekada, ang Bitcoin ay kinikilala na bilang isa sa pinakamahalagang digital assets sa buong mundo. At kung babalikan natin sa ngayon, marahil ay mapapangiti ang iba sa atin at parang gusto nating bumalik ng panahon na yun ang mag ipon ng maraming Bitcoin.
Pero sa ngayon, isa na lang itong alala sa karamihan sa atin dahil kahit napanood natin ito malamang hindi tayo nag invest. Kasi nga hindi naman natin alam talaga ang mangyayari sa Bitcoin na lalaki sya ng ganito na sa ngayon ay umabot na sa lagpas $120,000 ang halaga ng 1
BTC.