Chapter 3Financial Instrument ito yung mga assets na pwede nating maitrade tulad ng Cash at Derivatives, mga bagay na may value at the same time pwede ring maipalit sa pera kagaya nalang ng Silver at Gold, mga kasulatan o Documents na nagpapatunay na ikaw ang may-ari ng isang business at iba pa.
San ngayon papasok dito ang Cryptocurrency sa Financial Instrument? alam naman natin ang cryptocurrency ay maituturing na makabagong digital assets na isang uri ng pananalapi na tumatakbo o gumagalaw sa internet. Marami pang hindi nakakaalam ng pagkakaimbento ng cryptocurrency. Hindi ito ordinaryong crypto lang na centralized. At kung gusto ito malaman ninuman ay kailangan nyo munang malaman ang history ng monetary system na ginagamit natin ngayon.
Pumunta naman tayo sa mga uri ng market kung saan ay pwede tayong magtrade. Ito naman ay usually makikita natin sa mga trading platform. Bibigyan ko lang kayo ng overview kung ano ba ang mga ito para naman magkaroon tayo ng konting idea at kaalaman dito. Sapagkat normally ang traders ay hindi nila alam ang mga ito. Kasi they just love to trade lang mostly, that's it!, pero pagtinanung mo kung ano ang derivatives o spot market ang sagot nila HINDI NILA ALAM. Kasi nga wala silang proper idea tungkol sa trading. Kaya nga kung babasahin mo ang buong trading course na ito ay you will be better than them.
Dahil this information is Free but FULL of VALUE.
SPOT MARKET ito yung financial instrument na pagnagtrade ka ng asset ito ay makukuha mo agad at once. Let say meron kang Bitcoin ay gusto mong maghold ng XRP ngayon ang financial instrument na kailangan mong gamitin ay ang spot market. Ipapalit mo lang yung Bitcoin mo para sa XRP sa tulong ng spot exchange and then you can withdraw it easily. Ito rin ang recommendable para sa mga newbies na papasok dito sa crypto industry tulad nito.
MARGIN TRADING ito yung method ng pagtetrade na pinapayagan ang isang trader na manghiram dagdag puhunan para makapag-enter ng mas malaking position sa trade. Meaning kung maliit lang ang capital mo ay magkakaroon kapa rin ng chance na makapagtrade ng mas malaki sa account balance mo. Hindi ito ideal sa mga beginners, applicable lamang ito sa mga matatagal ng traders na gumagamit nito.
DERIVATIVES MARKET ito naman yung financial assets na nagbabase ang value sa ibang bagay. Ang mga halimbawa nito ay Stocks, Bond, Commodity, Market index, at Cryptocurrency. Normally ito yung mga contract ng mga multiple party.
Ang mga derivative products ay yung may mga future contract, options, at swap. Ito rin ang isa sa pinakamalaking market sa financial sector. Ngayon marami naring sa trading platform ng cryptocurrency market ang may derivatives. Like
FUTURES & OPTIONS.
Futures contract ang ginagawa dito ng mga traders ay magspeculate ng futures price ng isang asset kung tataas ba ito o bababa. Kumbaga traders can make money sa trading kung tumaas man o bumaba ang assets na tinetrade ng isang trader as long as na tama yung kanilang future assumptions. Dito may tinatawag na LONG & SHORT position.
Long Position ay isang trader na nageexpect na tataas ang value ng isang asset sa hinaharap.
Short Position ay isang trader naman na nageexpect na bababa naman ang value ng isang asset sa hinaharap.
Options contract ito naman ay ang isang trader ay may karapatang bumili at magbenta, Pero hindi sila obligadong gawin ito.
2 uri ng OPTIONS1.
Call Options - mga taong naniniwala na tataas ang assets in the future.
2.
Pull Options - mga tao namang naniniwalang bababa ang assets sa hinaharap.
As a beginners trader ay hindi tayo magpopokus sa Futures at Options trading saka na ito. Dahil hindi ka kaagad makakatakbo kung hindi ka marunong lumakad. Step by step lang muna tayo.
Ang pinaka-simula ay ang Spot trading dahil kapag nagamay mo na ito at Technical analysis ay dun ka palang pwedeng magjump sa Futures and Options trading.